PRITONG MANOK ala MAX
Paborito nating mga Pinoy itong fried chicken o pritong manok ng Max Restaurant. Masarap kasi at natural na lasa ng manok ang ating nalalasahan. Kumpara sa ibang fried chicken, ang sa Max hindi nila itinatago ang manok sa akung ano-anong breadings at spices.
Until now, wala pa ding nakaka-alam (sa pagkaka-alam ko ha) sa tunay na recipe ng kanilang tanyag na pritong manok. Ang mga nababasa natin ay puro mga haka-haka lang. Pero base sa mga nabasa ko dito sa net ito ang kinalabasan ng aking bersyon ng Pritong Manok ala Max. With matching fried sweet potato, masarap at kahawig naman ang kinalabasan ng aking bersyon. Try nyo din po.
PRITONG MANOK ala MAX
Mga Sangkap:
1 whole Fresh Chicken (cut into half)
1 small sachet Sinigang Mix
1 pc. large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, magpakulo ng tubig na may asin at sibuyas.
2. Kapag kumukulo na ilagay na ang sinigang mix at ang manok. Dapat lubog sa tubig ang manok. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.
3. I-drain at palamigin ang manok. Maaring dampian ng paper towel ang manok para mawala ang excess pa na tubig.
4. Lagyan ng pinaghalong asin at durog na paminta ang katawan at paligid ng manok. Hayaan ng ilang sandali.
5. I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa pumula ang balat.
6. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
7. I-prito muli for extra crispiness ng balat. Ganito ang ginagawa talaga sa Max kaya ganun ka-lutong ang balat.
Ihain habang mainit pa na may kasamang pritong kamote at banana catsup.
Enjoy!!!!
Comments