CREAMED CORN MAJA BLANCA

Sa bahay lang ang aking mga anak sa panahong ito ng kanilang bakasyon.  Ika nga, staycation sila.   Hehehehe.   At kapag nasa bahay lang, kumain, matulog, manood ng tv at mag-computer lang ang kanilang ginagawa.   At komo nasa bahay nga lang, mas malakas silang kumain.   Kumbaga, lagi silang gutom.   Hehehehe.

Kaya naisipan kong gumawa nitong Maja Blanca para pang-meryenda nila o dessert na din.

May ilang recipe na din ako nito sa archive.   But this time, sa halip na whole corn kernel ang ginamit ko, creamed corn o yung durog na mais ang aking ginamit.   Naisip ko kasi, kumpara sa whole kernel, mas malasa itong creamed kasi durog nga na labas na labas ang flavor niya.   At tama, mas masarap at mas creamy ang kinalabasan ng aking Maja Blanca.



CREAMED CORN MAJA BLANCA

Mga Sangkap:
200 grams Cornstarch
1 big can Creamed Corn
1 big can Coconut Cream
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 bar Cheese (grated)
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang coconut cream, asukal at creamed corn.   Lagyan din ng 2 tasang tubig.
2.  Tunawin ang cornstarch sa 2 tasang tubig.
3.   Kapag kumukulo na ang gata at mais, ilagay na ang tinunaw na cornstarch.   Halu-haluin.  Hinaan lang ang apoy.
4.   Kapag lumapot na ang tikman at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang all purpose cream at patuloy na haluin.
6.   Isalin sa hulmahan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.

Palamigin muna bago i-serve.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
4 cups of water po ang gamitin?
Dennis said…
Yup. 2 kasama nung gata. At 2 pa para tunawin yung cornstarch.

Yung cup na timplahan ng kape ang gamitin.
mitz said…
ask ko lang po sugar, gano po karami?
Dennis said…
Hi Mitz..... Nasa sa iyo yun kung gaanong karaming asukal ang gusto mong ilagay. Mainam pa-konti-konti muna ang lagay saka mo tikman. Depende kasi yun sa pabnlasa ng kakain.

Thanks

Dennis
Unknown said…
All purpose cream lang po ba . Wala na po bang condensed na ilalagay ?
Dennis said…
Sorry for my late reply.
Wala po. Pero pwede din pong lagyan for extra creaminess.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy