FISH FILLET WITH CREAMY BUTTER SAUCE
Nitong nakaraang Pasko ng Pagkabuhay, nagkaroon kami na munting salo-salo sa bahay ng aking biyenang si Inay Elo bilang pasasalamat sa patatapos sa highschool ng panganay kong anak na si Jake at elementarya naman sa bunso kong anak na si Anton. Kasabay sa araw ding yun ay ang kamatayan ng biyenan kong lalaki na si Tatang Tunying.
Maaga pa lang ay nagumpisa na akong magluto komo 11 ng umaga ang padasal at tanghalian na nga ang kasunod.
Apat na dish lang ang aking niluto at isa na nga dito itong Fish Fillet with Creamy Butter Sauce. Nakakatuwa dahil naubos lahat ang aking niluto. Ako nga hindi na naka-kain din. hehehehe.
FISH FILLET WITH CREAMY BUTTER SAUCE
Mga Sangkap:
2 kilos Cream Dory (hiwain sa nais na laki)
1 pc. Lemon
Maggie Magic Sarap
Freshly ground Black Pepper
1 cup Corstarch
1 cup Flour
2 pcs. Fresh Eggs
Salt to taste
Cold Water
Cooking Oil for frying
For the Sauce:
1/2 bar Butter
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tbsp. Flour or Cornstarch
Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade sa katas ng lemon, paminta at Maggie Magic Sarap ang fish fillete na cream dory ng overnight. Hindi kailangan ng asin dahil maalat na ang laman ng cream dory.
2. Sa isang bowl paghaluin ang harina, cornstarch at malamig na tubig. Ilagay na din ang itlog, kaunting asin at paminta. batihin ito hanggang sa makagawa ng malapot na batter. Dahan dahan lang ang paglagay ng tubig na malamig para hindi malabnaw ang kalabasan ng batter. Dapat ay malapot ito at kumakapit sa fish fillete.
3. Ihalo sa batter ang hiniwang fish fillete at i-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
5. For the sauce: Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
6. Sunod na ilagay ang harina at halu-haluin.
7. Ilagay na ang all purpose cream at timplahan ng maggie magic sarap, kaunting asin at paminta. Halu-haluin. Maaring lagyan pa ng harina o cornstarch depende sa lapot na gusto ninyo.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang fish fillet kasama ng white sauce na ginawa.
Enjoy!!!!

Comments