FRANNY'S GOLDEN BIRTHDAY CELEBRATION
Matalik na kaibigan ko itong si Franny. Mga binata pa lang kami ay magkakasama na kami sa isang apartment sa may Baclaran. Sa may airport kasi ang trabaho namin noon. 1996 naman ay nagkihiwa-hiwalay kami after kong mag-resign sa aking trabaho. Matagal din kami hindi nagkita mula noon. Pito pala kaming magkakasama: Si Franny, Bong, Dennis V., Benny, Phil, Mon at ako. Yung 3 dito ay nasa ibang bansa na.
Pero mula nung mauso ang cellphone at FB, nagkaroon kami ng pagkakataon na makita-kita muli. Madalas ay kung mayroon may kaarawan kagaya nga nitong kay Franny. Taon-taon halos ay nasa kanila kami para ipagdiwang ang kanyang kaaarawan. Last April 9 pala ang birthday niya at tamang-tama dahil walang pasok at pista opisyal.
Maraming handang pagkain dahil ika-50 kaarawan niya ito. May kalderetang baboy, lumpiang shanghai, calamares, inihaw na liempo, baked tahong, buttered shrimps, pancit canton, spaghetti at iba pa. May dessert din na leche plan, gelatin at buco salad. Wow! Busog na busog talaga ako sa dami ng akling nakain.
At syempre, pagkatapos ng kainan ay mawawala ba ang kantahan at inuman. Maging ang aming mga asawa ay enjoy din sa videoke at inuman.
Marami din ang mga naging bisita niya. Mga kasamahan din niya sa trabaho.
Kung may umpukan ang mga mommy at daddy, may umpukan din ang mga bagets. Enjoy lang sila mag-laro sa tablet na dala nila.
Hindi namin namalayan ang oras dahil sa kasiyahan ng lahat. Bandang 1am na nang kami ay magpa-alam at makauwi na sa kani-kaniyang tahanan.
Isang taon na naman ang lumipas at ang mga ganitong pagkakataon ang nagbubuklod muli sa aming matibay na pagkakaibigan. Dalangin ko na sana ay humaba pa ang aming buhay at makasama namin ang aming mga kaibigan sa ibang banasa para muling ipagdiwang ang aming samahan.
Amen.

Comments