CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF
Una po pasensya na kung medyo dumadalang ang aking mga post sa aking food blog na ito. Medyo nagkasakit po kasi ako nitong mga nakaraang araw at hindi na po talaga ako nakakapagluto ng masasarap at kakaibang putahe.
But anyways, narito po ang isang beef dish na paboritong-paborito ng aking pamilya. Itong Creamy Beef Mushroom & Potatoes. Sa dish na Beef Stroganoff ko nakuha ang inspirasyon sa dish na ito. Nilagyan ko na lang ng dagdag pa na rekado para mas lalo pa itong mapasarap. Try nyo din po. Tamang-tama to start a brand new month.
CREAMY BEEF MUSHROOM & POTATOES ala BEEF STROGANOFF
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 big can Sliced Mushroom
2 pcs. large Potatoes (cut into cubes)
1/2 tsp. Dried Basil
1/2 cup Melted Butter
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng kaunting asin at paminta ang karne ng baka.
2. I-brown ito sa isang heavy bottom na kaserla na may butter.
3. Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at dried basil.
4. Lagyan ng tubig...takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa.
5. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas at sliced mushroom kasama ang sabaw nito. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
6. Huling ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis