HICKORY PORK BELLY


Favorite ko talaga itong Hickory Barbequemarinade ng Clara Ole.   Opsss!!!   Free advertisement ito ha.   Pero totoo, kahit hindi ako bayaran ipo-promote ko pa rin ang produktong ito.   Masarap kasi at talagang tamang-tama ang lasa ng inyong barbeque.

Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng aking asawang si Jolly, isa ito sa mga dish na niluto ko.    Kahit ang 3 guest ng aking asawa ay nagustuhan ang lasa ng liempong ito na minarinade sa produktong ito.   Try nyo din po,



HICKORY PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (sliced into 1/2 inch thick)
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade
1 cup Sprite Soda

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly sa Clara Ole Hickory Barbeque Marinade at Sprite Soda ng overnight.
2.   Lutuin ito sa turbo broiler o sa mainit na baga at lagyan o pahiran ng pinagbabaran from time to time hanggang sa maluto.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!

Note:   Pwedeng pakuluan ang natirang marinade mix hanggang sa medyo lumapot at gamitin na sawsawan ng inihaw na liempo.

TY

Comments

Anonymous said…
kapag wala pong broiler, oven o grill, pwede bang pan-fry lang? o masusunog po kasi medyo matamis ata ito? thank you. i am enjoying your recipes. creative kayo. kami paulit-ulit ang ulam. na-try ko na yung iba, madali lang at masarap pa.
Dennis said…
Sa halip na i-pan-fry i-braise mo na lang. I mean...ilagay mo sa kawali yung liempo kasama yung marinade mix the hayaan mo lang maluto hanggang sa kumonte yung sauce.

pan-fry pwede pa rin...basta mahina lang ang apoy at non-stick yung gagamitin mong kawali.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy