COCO PORK BINAGOONGAN

I think this is the best pork binagoongan na naluto ko.   Ang sarap talaga.   Sauce pa lang ay ulam na ulam na.   Muntik pa nga akog maubusan ng aking mga anak.   Gulay at kaunting laman na lang ang natira sa akin.

Marahil ang tnay na nagpasarap sa version kong ito ay yung quality ng bagoong na ginamit at yung pirong kakang gata.   Ang ginamit ko kasi yung yung bagoong alamang na nabili pa ng asawa ko sa Ilocos.   Masarap talaga.   Balak ko ngang magluto ulit nito this coming weekend.   Hehehehe


COCO PORK BINAGOONGAN

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into cubes)
Sitaw o String Beans
1 cup Sweetened Bagoong Alamang
2 cups Kakang Gata
5 pcs. Siling Pang-sigang
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang pork belly.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ng bahagya ang karne sa kaunting mantika hanggang sa medyo mag-brown lang ang mga side.
3.   Itabi lang sa gilid ng kawali ang karne at igisa naman ang bawang.   Hanguin kapag nag-golden brown na ang kulay.
4.   Isunod na ang sibuyas.    Haluin kasama na ang karne.
5.   Lagyan ng tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.   Huwag marami dahil lalagyan pa ito ng gata.
6.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw, bagoong alamang, siling pang-sigang at kakang gata.   Takpan muli at hayaang maluto ang sitaw.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



Comments

Anonymous said…
bottled bagoong po ba ang gamit dito? at kung canned coco cream ang gagamitin, malaki po ba ang kaibahan?
Dennis said…
Much better kung fresh na gata ng niyog ang gamitin. Sa bagoong, bottled o yung ikaw ang nagluto ay okay din lang. Basta yung medyo manamis-namis.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy