HICKORY BABY BACK RIBS
Sunday is a special day para sa aking pamilya. Family day ito eh. Kaya naman ginagawa kong espesyal lalo na ang pagkaing aming pinagsasaluhan.
Kagaya nitong nakaraang Linggo. May nakita ako sa supermarket na magandang cut ng baby back ribs. Paborito ito ng aking asawa at mga anak. At isa lang luto ang naisip ko para dito, ang lutuin gamit ang Clara Ole Hickory Barbeque Marinade.
Bago ko ito niluto, binabad ko muna ang karne sa barbeque marinade mix na it at sa sprite soda. Sa pamamagitan nito mas nanunuot ang lasa ng barbeque sa laman ng karne. At viola!!!! para na rin kaming kumain sa isang mamahaling barbeque house. Try nyo din po.
HICKORY BABY BACK RIBS
Mga Sangkap:
About 1.5 kilos Baby Back Ribs
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix
1 can Sprite Soda
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang baby back ribs sa Clara Ole Hickory Barbeque Marinade, paminta, asin at Sprite Soda ng overnight.
2. The following day, pakuluan ito hanggang sa lumambot sa isang heavy bottom na kaserola.
3. Kung napalambot na ang karne, isalang naman ito sa turbo broiler at hayaang ma-roast sa loob ng mga 30 minuto.
4. For the sauce: Pakuluan ang marinade mix na nilagyan pa ng brown sugar. Pakuluan ito hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ubuhos ang sauce sa ibabaw ng ni-roast na baby back ribs.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks
DEnnis