HOME MADE PIZZA
Nitong nakaraang birthday ng anak kong si James, dapat sana ay gagawa din ako nitong pizza. Nakabili na ako ng mga sangkap na gagamitin pero hindi ko na ito itinuloy gawin komo hindi naman darating yung mga kaklase niya at ilan lang naman kaming kakain sa bahay. Marami na din kasi yung una kong naluto na.
Naisip kong gumawa nito komo paborito din ito ng aking mga anak. Hindi na naman mahirap gumawa nito dahil ang mga sangkap ay available na din sa mga supermarket. Kagaya nitong pepperoni na ito na nabili ko sa Robinson Supermarket at yung pizza crust.
Also, yung sauce na ginamit ko dito ay yung meat sauce na sobra sa ginawa kong lasagna. Dinagdagan ko na lang ng tomato sauce pa at it na nga ng kinalabasan. Masarap. Pwede mo na ding ihanay sa mga nabibiling pizza sa market.
HOME MADE PIZZA
Mga Sangkap:
2 pcs. 12 inches Pizza Crust
Grated Quick Melt Cheese
3 cups Spaghetti or meat Sauce
1 cup Pepperoni
1 cup Green or Red Bell Pepper (thinly sliced)
1 cup White Onion Rings
1 tsp. Dried Basil
Olive Oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-toast muna sa kawali ang pizza crust kung nais na medyo crispy ang inyong pizza. Kung hindi naman maari nyong i-skip ang parteng ito.
2. Ilagay una ang meat sauce sa ibabaw ng crust.
3. Isunod na ang iba pang mga sangkap na pang-toppings.
4. Ilagay ito sa oven o sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa matunaw lang ang cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis