SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE

A shrimp dish is always a treat for me and my family.  Kaya naman nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton ay ito ang isa sa mga niluto ko.

Marami-rami na din akong shrimp dish sa archive pero ang isang ito ay nilagyan ko pa ng twist.  Ang ginawa ko yung Zesto Orange na nasa tetra pack ang isinabaw ko para maluto ang hipon.   At para dagdag na sarap nilagyan ko din ng oyster sauce.

Winner ang dish na ito.   Nagustuhan nga ng mga bisita namin.   Try nyo din po.


SHRIMP in ZESTO ORANGE and OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Shrimp (alisin yung sungot o balbas)
1 tetra pack Zesto Orange Juice Drink
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Melted Butter
2 tbsp. Brown Sugar
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper ot taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-prito ang bawang sa butter hanggang sa ma-tusta.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na igisa ang luya at sibuyas.   Halu-haluin
3.   Ilagay na agad ang hipon, zesto juice at oyster sauce at timplahan ng asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin at saka takpan.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarc para lumapot ang sauce.
6.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang tustadong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

saddiproject said…
the best. ang sarap nga nito :) salamat
Dennis said…
Thanks ...Please continue supporting my blog.

Dennis
Unknown said…
Mr. Glorioso, newbie pa lang po ako sa pagluluto. Matapos haluin ang hipon, zesto juice at oyster sauce at timplahan ng asin, paminta at brown sugar at takpan, gaano katagal ito lulutuin bago ilagay ang cornstarch?
Dennis said…
Mga 5 minutes siguro ktuin or basta nag-kulay orange na yung mga hipon saka mo ilagay yubng cornstarch. Huwag i-overcooked para di tumigas yung laman ng hipon.
Unknown said…
Maraming salamat po sa inyong mabilis na pagtugon.
Dennis said…
Salamat din...Dennis na lang ang itawag mo sa akin...napaka-pormal namang ang Mr. Glorioso....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy