ANTON'S CHICKEN
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan. Anton's Chicken.
Roasted chicken siya na ipinangalan ko sa aking bunsong anak na si Anton. Hindi ko alam kung original ang recipe na nagawa ko pero marami ang nagsasabi na masarap daw talaga itong roasted chicken ko na ito.
Simple at iilan lang ang mga sangkap na ginamit ko pero markadong-markado talaga sa lasa. the seret is in the marinade at yung tagtal ng pagbabad dito. Syempre pa yung freshnessng manok na gagamitin. Try nyo din po. Anong sabi ng mga sikat na lechong manok dyan sa tabi-tabe? Hehehehe.
ANTON'S CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken (about 1.2 kilograms)
10 pcs. Calamansi
1 cup Soy Sauce
2 heads Minced Garlic
3 stem Lemon Grass or Tanglad
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang loob at labas ng manok.
2. Kiskisin ang loob at labas ng manok ng pinaghalong asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali
3. Sa isang bowl paghaluin ang katas ng calamansi, toyo at dinikdik na bawang.
4. Imasahe ang marinade mix sa loob at labas ng manok.
5. Ipasok sa loog ng katawan ng manok ang tanglad.
6. Sa isang plastig bag o zip bloc, ilagay ang manok at lahat ng marinade mix. I-marinade ng overnight o higit pa.
7. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 45 na minuto hanggang 1 oras. Baligtarin ang manok after ng 30 minutes. Maaaring pahiran ng marinade mix ang katawan ng manok from time to time.
Ihain ito habang mainit pa na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon.
Enjoy!!!!
Comments