IBA PANG PAGKAING AKING INIHANDA......

Bukod dun sa mga nai-post ko na na pagkaing aking niluto para sa aking kaarawan, may ilan pang putahe na niluto ako nahindi ko na ginawa ng separate na post.   Meron na din kasing recipe dito sa archive na pwede nyong tingnan.   Kagaya nitong turbo broiled crispy pata.   Eto po ang recipe nito: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/08/turbo-broiled-crispy-pata.html.   Nagutuhan talaga ng mga bisita ko itong crispy pata na ito.  Para na din kasing lechon ang lutong ng balat at malmbot talaga ang laman dahil sa tagal na pinakuluan.


Isa pa ay itong Lumpiang Embotido.   Nagustuhan ko yung version kong ito ng lumpiang shanghai.   Malasa kasi yung palaman at masarap talaga.   Eto po naman ang recipe nito:   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/09/lumpiang-embotido.html

May dalawa pang dish na naidagdag sa aking handa na in-order naman ng aking asawang si Jolly sa kanyang officemate na si Chinna.   Ang asawa ni Chinna na si Richard ang nagluto nito.   Nagwo-work siya sa isang sikat na Chinese resto sa Glorietta.   Baka daw kasi kapusin ang aking niluto sa dami ng aking bisista.  hehehehe  Fried Lapu-lapu na may sauce sa ibabaw na parang pinaghalong spring onions, red bell pepper at sa palagay ko ay chinese rice wine.  Masarap siya.

At ang isa pa ay itong Fried Chicken with Honey garlic Sauce.   Masarap din ito at planong kong gayahin ito sa mga darating na araw.   hehehe

Iyan po lahat ang mga pagkaing akaing inihanda nitong nakaraan kong 48th birthday.   Nagpapasalamat ako sa aking asawang si Jolly...sa lahat ng aking mga naging bisita.   ginawa ninyog memorable ang aking kaarawan.

Hanggang sa muli   :)



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy