MY SON JAKE BIRTHDAY CELEBRATION
September 22 talaga ang birthday ng panganay kong anak na si Jake. Pero komo simpleng araw yun minabuti naming September 25 na lang ito i-celebrate para walang pasok ang opisina at eskwelahan.
Taon-taon naman ay ginagawan ko talaga ng paraan para makapag-celebrate kahit papaano ng kanilang kaarawan ang tatlokong anak at ang aking asawang si Jolly. At kagaya ng nakagawian ko, tinatanong ko ang may birthday kung ano ang gusto nilang lutuin ko para sa kanilang handa.
Sa anak kong si Jake, gusto daw niya ng Lasagna, fried chicken at leechon kawali. At yun naman ang aking inihanda. Dinagdagan ko na lang ng ginataang hiponat paella valenciana. Gumawa din ako ng coffee jelly para sa dessert.
Dumating ang kanyang mga kaibigan nung high school pa siya sa Aquinas at ilang ka-klase niya sa UE.
Dumating din ang kanyang mga pinsan na sina Janet, Totoy at kaniyang pamilya at ang nanay nila na si Ate Tess.
Dumating din ang Tita niyang si Ate Azon kasama ang kanyang mga anak na sina pareng Joel, Toni at Anna.
Naubos ang lahat ng niluto kong handa. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ang aking niluto.
Dalangin ko na sana ay magkaroon pa ng maraming kaarawan ang anak kong si Jake at hanggang kaya ko pa ay iraraos ko ang kanyang kaarawan sa pagluluto ng mga pabirito niyang pagkain. Sana lang ay makatapos siya ng pag-aaral at makamit niya ang lahat ng kanyang pangarap.
'Till next :)

Comments