CHICKEN MACARONI SALAD


Papalapit na talaga ang kapaskuhan.   I'm sure marami sa atin ang nag-iisip na ng mga pagkaing ihahanda para sa ating Noche Buena. 

Ofcourse kapag Noche Buena hindi nawawala sa hapag ang mga pasta at salad dishes kagaya nitong Chicken Macaroni Salad.   At para maging mas espesyal ang dish na ito para sa isang espesyal na okasyon, nilagyan ko pa ito ng karagdagang twist para mas lalo pa itong mapasarap.   Nilagyan ko pa ng cashiew nuts para magkaroon ng ibang texture habang kinakain natin ito.   Try nyo din po.



CHICKEN MACARONI SALAD

Mga Sangkap:
500 grams Elbow Macaroni Pasta(cooked according to package directions)
1 whole Chicken Breast
2 tangkay Celery (cut into small pieces)
2 cups Cashiew Nuts
1 medium size can Pineapple Tidbits
4 cups Lady's Choice Mayonaise
1 small Red Onion (finely chopped)
1 tbsp. White Sugar
1 cup grated Cheese
3 pcs. Hard Boiled Eggs
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang manok sa tubig na may kaunting asin hanggang sa maluto.   Hanguin ang manok at palamigin at saka himayin o hiwain sa nais na laki.
2.   Sa parehong kaserola na pinaglagaan ng manok ilaga naman ang pasta hanggang sa maluto.   I-drain. at palamigin.
3.   Sa isang bowl paghaluin ang nilutong macaroni, hinimay na manok, pineapple tidbits, celery, cashiew nuts, mayonaise, sibuyas, asukal, asin at paminta.   Haluin mabuti.
4.   Tikman at i-adjust ang lasa.
5.   Isalin sa isang rectangular na lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese at ang hiniwang hard boiled eggs.

Ihain na malamig o mainit-init man.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy