FRIED CHICKEN IN HONEY-CALAMANSI GLAZE


Paborito ng aking mga anak ang fried chicken.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanila.

Para naman di sila magsawa (..na imposible naman hehehe) nilalagyan ko ng variation o twist ang mga fried chicken na niluluto ko.   Kung hindi sa marinade mix ay sa sauce ko ito binabago.

Kagaya nitong recipe natin for today nilagyan ko ng sauce o glaze ang fried chicken.  Para bang yung fried chicken ng Bon Chon?    Pero simple lang ang ginawa ko dito.  Katas ng calamansi at honey bee ang aking ginamit.   Sa pamamagitan ng glaze na ito hindi na kailangan ng sauce o gravy ang inyong fried chicken.  For sure solve na solve dito ang makaka-kain nito.


FRIED CHICKEN IN HONEY-CALAMANSI GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh (skin on)
1 tbsp. Garlic Powder
1 cup Cornstarch
1 cup All Purpose Flour
1 tsp. Maggie magic Sarap
Sal;t and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
For the glaze:
10 pcs. Calamansi
1 cup Pure Honey Bee
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 large White Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Butter
1/2 cup Water

Paraan ng  pagluluto:
1.  I-marinade muna ang manok sa asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Paghaluin ang cornstarch at all purpose flour sa isang bowl.
3.   Igulong dito ang bawat piraso ng manok hanggang sa mabalot ang paligid nito. 
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay sa katamtamang lakas ng apoy.
5.   For the glaze:   Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
6.   Sunod na ilagay ang katas ng calamansi, 1/2 ng tubig, brown sugar, pure honey bee at soy sauce.   halu-haluin.
7.   Hayaang kumulo hanggang sa lumapot ang sauce.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9.   Ihalo ang piniritong manok sa sauce.   Halu-haluin hanggang ma-coat ng sauce ang lahat na piraso ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy