PORK CURRY

Ito ang isang dish na asianong-asiano ang dating.   Pork Curry.   Bakit naman?    Bukod kasi sa curry powder na ginamit na pampalasa nilagyan ko din ito ng coconut cream na pangkaraniwan nakikita at inilalahok sa mga dish ng kapitbahay nating bansa.

Hindi ko nakalakihan na kumain ng pagkaing may curry powder.  Dito na lang sa Manila ko ito natikman at nagustuhan ko naman.   Chicken Curry ang unang dish na natikman ko na ganito.

Kahit nung nagluto ako nito para sa aking pamilya ay nagustuhan din nila.  Tamang-tama lang din kasi yung anghang nito at yung creaminess ng gata.  Kaya naman nitong isang araw ay naisipan kong magluto ulit nito pero pork naman ang aking ginamit na pangunahing sangkap.   And as expected, nagustuhan ito ng aking mga anak.


PORK CURRY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or pigue (cut into cubes/adobo cut)
2 tbsp. Yellow Curry Powder
2 cups Kakang Gata
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1 pc. Carrot (cut into cubes)
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
3 pcs. Siling Pang-sigang
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o o heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa ang karne.
3.   Lagyan ng mga 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang curry powder, patatas at carrots.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.
5.   Sunod na ilagay naman ang red bell peper, siling pang-sigang, kakang gata at maggie magic sarap.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy