CLASSIC LECHON KAWALI
Paboritong kong luto sa baboy itong Lechon Kawali. Masarap naman kasi ito talaga lalo na kung tama ang pagkaluto at malutong talaga ang balat. Madali lang naman lutuin ito maliban lang sa medyo delikado kapag piniprito na. Kapag hindi kasi tama ang pagluluto maaaring pumutok-putok ito at matilamsikan kayo ng kumukulong mantika.
Matagal na din akong hindi nakakapagluto ng classic na lechon kawali na ito. Madalas kasi niluluto ko lang ito sa turbo broiler para iwas sa pumuputok-putok na kumukulong mantika. Pero komo nasira nga ang aming turbo broiler wala akong choice kundi bumalik sa mano-manong pagpi-prito. No regrets dahil masarap naman talaga ang pork dish na ito.
Please take note na gawin yung part 1 bago ang araw kung kailan ito kakainin o ise-serve.
CLASSIC LECHON KAWALI
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly o Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 pcs. Onion (sliced)
1 head Garlic
1 tbsp. Whole Pepper Corn
3 tbsp. Rock Salt
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
Part 1:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang pork belly at lahat ng mga sangkap maliban lamang sa cooking oil.
2. Lagyan ng tubig. Dapat lubog ang pork belly.
3. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
4. Hanguin at saka palamigin.
5. Tusuk-tuskin ng tinidor ang balat na parte sa lahat na bahagi.
6. I-slice ito ng mag 1/2 inch ang kapal.
7. Ilagay sa freezer at hayaan ng overnight.
Part 2:
8. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito.
9. Kapag kumukulo na ilagay na ang bawat piraso ng hiniwang pork belly straight from the freezer. Ang mainam sa prosesong ito, hindi ito magpupuputok kapag piniprito.
10. I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay ang mag-pop na ang balat.
11. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
12. Palamigin ng bahagya saka i-chop ng pa-cubes.
Ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon o suka na may toyo, suka, calamansi, sili at sibuyas.
Enjoy!!!!
Comments