CELEBRATING 18 YEARS OF LOVE


Kahapon January 31, ipinagdiwang namin ng aking pamilya ang aming ika-18 taong anibersaryo ng aming kasal.   Ipinagdiwang namin ito kasama ang tatlong bunga ng aming pagmamahalan.  

Nag-umpisa ang aming araw sa isang simpleng almusal.   Nagluto ako ng espesyal na spaghetti na nilahukan ko ng corned beef at hamon.   Tinernuhan ko lang ito nga French Toast na nagustuhan naman talaga ng aming mga anak.

11 ng umaga naman ay dumalo kami ng banal na misa sa Landmark chapel bilang pasasalamat 18 taon ng aming pagsasama.   At pagkatapos noon ay pumunta naman kami sa Buffet 101 para sa aming tanghalian sa kahilingan na din ng aming mga anak.

 Medyo may presyo ang buffet sa resto na ito.  Pero okay lang... nag-enjoy naman kaming lahat sa mga masasarap na pagkain na pagpipilian.

 For starters, kumuha ako ng ilang maki, sushi at ilang barbeque sticks na din.

 Kumuha din ako ng paborito kong siomai at dumplings.

Ebi Tempura at soup na hindi ko alam ang tawag ang kinuha naman ng aking asawang si Jolly.

3pm na din kami naka-alis ng buffet 101 na busog na busog.

 Dinner time naman ay nagluto ako ng epsesyal para sa aking pamilya.   Syempre, pwede ba naman na hindi ako magluluto para sa kanila sa espesyal na okasyon na ito?

 Mayroon nitong Shrimp in Chili-Garlic Sauce na paborito ng aking asawa.

 Pan-grilled pork belly na paborito naman ng aking mga anak.

 At itong pan-fried pink salmon na paborito din ng aking asawa.

 Gumawa din ako nitong mango and tomato salad na may bagoong para pang-terno sa salmon.

At syempre mawawala ba ang roses para sa aking asawa.    In our 18 years na mag-asawa hindi ko pa nalimutan na ibili siya nito sa wedding anniversary namin.

Natapos ang aming araw na masaya at puno ng pagmamahal.   Dalangin ko sa Diyos na sana ay makapagdiwang pa kami ng marami pang wedding anniversary sa hinaharap.

Amen

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy