CHICKEN with HAM and CHEESE ROLL
Magaling na cook itong bago naming helper na si Ate Haydee. Kapag simpleng luto lang ang gagawin siya na ang pinagluluto ko. Pero kapag Saturday at Sunday, ako ang nagluluto at nagluluto ako ng espesyal na ulam komo nitong araw lang na ito kami nagkakasabay na pamilya na kumakain.
One Sunday nga nagluto ako nitong Chicken Roll na may palaman na sweet ham at cheese. Chicken Cordon Bleu ag tawag ng iba sa dish na ito. Meron na din akong recipe nito sa archive. But this time, minarinade ko muna yung chicken fillet sa katas ng calamansi para mas magka-flavor ang laman ng manok. Masarap talaga. Pang-espesyal na araw talaga.
CHICKEN with HAM and CHEESE ROLL
Mga Sangkap:
5 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut each into half)
5 slices Square Sweet Ham (cut also into half)
10 slices of Quick Melt Cheese (cut into 2 inches long)
5 pcs. Calamansi
3 cups Japanese Breadcrumbs
2 cups All Purpose Flour
2 Eggs beaten
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang chicken mallet, pitpitin ang bawat chicken breast na nasa loob ng isang plastic hanggang sa numipis ang laman. About 1/2 inch. Ingatan na huwag masira ang laman ng manok.
2. Ilatag ang bawat nagawa sa isang bandehado o tray. Budburan ito ng asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa.
3. Kumuha ng isang piraso ng pinitpit na chicken fillet at lagyan sa gitna ng isang pirasong ham at 1 pirasong quick melt cheese.
4. I-roll ito ng dahan-dahan. Dapat ay walang nakalabas na cheese o ham sa gilid. Ilagay muna sa isang lalagyan.
5. Igulong naman ang bawat isang nagawang roll sa harina, pagkatapos ay sa binating itlog naman at sa huli ay sa breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
6. Ilagay muna ng mga 1 oras sa freezer bago i-prito.
7. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang mag-golden brown ang kulay.
Palamigin sandali at i-slice ito bago ihain. Maaring samahan ito ng sauce na nais. White Sauce, Chili Sauce o kahit ordinaryong catsup ay okay lang.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis