HONEY-GARLIC GLAZE FRIED CHICKEN
My kids loves fried chicken. Kahit na sa mga fastfood fried chicken pa din ang gusto nilang i-order. Kaya naman hindi nawawala sa aking menu ang chicken dish na ito.
Para hindi sila mag-sawa, ginagamitan ko ng ibat-ibang pang-marinade ang chicken. At kung minsan din nilalagyan ko ito ng glaze para maiba naman.
Kagaya nitong huling luto ko ng fried chicken. Simple salt, pepper at kaunting calamansi ang pinang-marinade ko at nilagyan ko lang breadings na cornstarch at flour. Ni-request ng panganay kong anak na si Jake na lagyan ko daw ng honey glaze. At yun nga ang ginawa ko. Sinamahan ko na lang ng toasted garlic to add flavor sa glaze. At ito na nga ang kinalabasan. Try nyo din po.
HONEY-GARLIC GLAZE FRIED CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken (legs, wings, thigh)
2 heads Minced Garlic
5 pcs. Calamansi
1 cup Pure Honey Bee
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
3 tbsp. Melted Butter
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng calamansi ng mga 1 oras o higit pa. I-drain.
2. Paghaluin sa isang plastic bag ang harina at cornstarch. Ihalo dito ang minarinade na manok at alug-alugin hanggang sa ma-coat ang bawat piraso ng manok.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sa parehong kawali ilagay ang honey bee at mga 1/2 cup na tubig. Halu-haluin at hayaang kumulo.
6. Kung medyo malapot na ang sauce ilagay na ang nilutong fried chicken at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng manok.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments