PORK DINUGUAN ala HAYDEE


Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng pork dinuguan.   Sa Batangas lang kasi ako nakakapagluto nito komo dun fresh talaga ang dugo ng baboy na magagamit.   Dito kasi sa Manila hindi mo matiyak yung quality ng linis ng dugo.

Pero nitong nakaraang Linggo naisipan kong ito ang aming i-ulam para sa Valentines Day dinner.   Tamang-tama di ba?   Pula ang dugo.   Hehehehehe.

Ang aming helper na si Ate Haydee ang nagluto nito.   Magaling siyang magluto at sinubukan ko kung mahusay din siya sa dinuguan.   Iba ang pamamaraan niya ng pagluluto ng dinuguan kumpara sa ginagawa ko at ito ang ishe-share ko sa iyo.   Try nyo din po.


PORK DINUGUAN ala HAYDEE

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (cut into small cubes)
10 cups Fresh Pork Blood
2 cups Cane Vinegar
1 head Minced Garlic
2 pcs. Onion (chopped)
5 pcs. Siling pang-sigang
3 pcs. Dahon ng laurel
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto according to Ate Haydee:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang hiniwang pork belly, kaunting asin at 1 cup na tubig.   Isalang ito sa kalan at hayaang masangkutsa hanggang sa ma-prito ito sa sariling mantika.   Hayaang ma-brown ng bahagya ang karne.
2.   Hanguin muna ang mga karne at igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
3.   Ibalik ang karne at timplahan ng suka.   Ilagay na din ang dahon ng Laurel.   Huwag hahaluin.   Hayaan lamang na kumulo ng mga 5 minuto.
4.   Lagyan ng 3 tasang tubig at hayaan muling kumulo.
5.   Lagyan ng 1 cup na malamig na tubig bago ihalo ang sariwang dugo.   Just make sure na walang buo-buo sa dugo na ilalagay.
6.   Pagka-lagay ng dugo huwag tigila ng paghalo para hindi makulta o magbuo-buo ang dugo.
7.   Ilagay ang siling pang-sigang at timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy