PORK SINIGANG with a TWIST


Ang sinigang marahil ang itinuturing na pambansang ulam na may sabaw dito sa atin sa Pilipinas.   At ang maganda sa sinigang kahit ano ay pwede mong isahog kagayan ng isda, baboy, baka o kahit manok man.   At syempre sa pang-asim naman marami din ang pwedeng gamitin.   Nandyan ang pangkaraniwan na sampalok.  Yung iba naman kamyas o calamansi.   Meron din na gumagamit ng mangga o kaya naman ay santol.   At marami pang iba.

Maging sa pamamaraan ng pagluluto ay marami din.   Ako pangkaraniwan ay pinapakuluan ko muna yung karne kung matagal itong lutuin saka ko inilalagay ang pang-asim.   Or kung isda naman ay inuuna kong pakuluana ang pang-asim bago ko ilagay ang isda.   Meron din naman na ginigisa muna nila yung sibuyas, bawang at kamatis kapag nagsisigang sila.

At sa bersyon ng pork sinigang na ito na natutunan ko sa aming helper na si Haydee, sinasangkutsa o pinagmantika muna ang karne ng baboy saka iginisa.   Masarap naman ang kinalabasan.  Malasa ang sabaw at malambot ang karne.   Try nyo din po.


PORK SINIGANG with a TWIST

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (yung may buto na kasama)
1 sachet Sinigang Mix
Sitaw
Talbos ng Kangkong
Okra
Siling Pang-sigang
2 pcs. Kamatis (sliced)
1 pc. large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola (heavy bottom), ilagay ang karne ng baboy na may kaunting asin at tubig.   Takpan at hayaang magmantika ang karne.   Halu-haluin para hindi manikit ang karne sa bottom ng kaserola.
2.   Igisa sa sariling mantika ang bawang, sibuyas at kamatis.   Halu-haluin.
3.   Lagyan ng tubig depende sa nais na dami ng sabaw.  Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw, okra at siling pang-sigang.
5.   Huling ilagay ang sinigang mix at ang kangkong.
6.   Tikman ang sabaw bago timplahan pa ng asin o patis.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!


Comments

Unknown said…
Tinry ko po ito sir Dennis! Ang sarap po panalo! Andami po nakain ng baby at hubby ko. Thanks po for sharing. 😀
Dennis said…
Thanks Chris....natutuwa ako kapag nakakabasa ako ng mga comments na kagaya nitong sa iyo. Mas lalo tuloy akong ginaganahan na ipagpatuloy itong blog na ito.

Please continue supporting my blog. mgalutonidennis.blogspot.com at mgalutonidennis.com. Paki-click na din ng mga ADS para support na rin sa akin.

Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy