SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE


Mahilig akong manood ng mga cooking show sa TV.   Marami kasi akong natututunan pa sa pagluluto at nakakakuha din ako ng mga bagong putahe.   Isa sa mga paborito kong cooking show ay itong Kusina Master ni Che Boy Logro.

One time may na-feature silang dish na hipon na nilagyan ng pula ng salted egg o itlog na pula ang sauce.   May napanood at nabasa na din ako na gumamit nito.   Yung isa nga sa crabs naman ginawan ng sauce.

At nitong nakabili nga ng hipon ang aking asawang si Jolly bago mag-Holy week, naisipan kong gawin ang sauce na ito na may itlog na pula.   At para may kick ng konti, nilagyan ko din ito ng chili-garlic sauce.   At wag ka, sauce pa lang ay ulam na sa dish na ito.   Try nyo din po.


SHRIMP with CHILI GARLIC and SALTED EGGS SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Shrimp
5 pcs. Salted Eggs o Itlog na Pula (kailangan lang yung pula ng itlog)
1 tsp. Chili-garlic Sauce
1 tsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
2 pcs. Red and Green Chilis
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawan at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Sunod na ilagay ang dinurog na pula ng itlog na maalat, chili-garlic sauce at 1/2 cup na tubig.   Halu-haluin at hayaang kumulo.
3.   Timplahan ng kaunting asin, paminta at brown sugar.
4.   Ilagay na ang hipon at halu-haluin para ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng hipon.   Takpan at hayaang maluto ang hipon.
5.   Tikman sang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang red at green chilis.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
San po n kkbli ng chilli garlic souce
Dennis said…
In any supermarket or groceries. Lee Kum Kee ang brand.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy