CHICKEN PORK ADOBO


Paborito sa aming tahanan ang adobo.   Sabagay, saan bang tahanan ang paborito ito.   Ito na marahil ang pambansang ulam natin mga Pilipino.   hehehehe.

Madalas, adobong baboy o adobong manok ang niluluto ko.   Hindi ko ito pinagsasama.   Pero komo nga nasa bahay lang ang aking mga anak dahil bakasyon sa eskwela, dinadagdagan ko ang ulam kumpara sa dati kong inihahanda.   Kaya this time pinaghalo ko ang manok at baboy sa adobo na pangkaraniwan naman ginagawa ng marami sa atin.

Take note lang na unahin lutuin ang baboy komo mas mataga itong lumambot kesa sa manok.   Kapag kasi pinagsabay nyo ang luto, baka madutog ang manok e hindi pa malambot ang baboy.

For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya.   At mas masarap ito kung kinabukasn nyo na ito kakainin.   hehehehe,.


CHICKEN PORK ADOBO

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken (cut into serving pieces)
1 kilo Pork Liempo (cut into serving pieces)
1 cup Soy Sauce
1 cup Cane Vinegar
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tbsp. Brown Sugar
2 heads Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. Freshly Crack Balck pepper
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin ang hiniwang manok at baboy.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ng bahagya hanggang sa medyo mag-brown ang  manok at baboy.   Hanguin sa isang lalagayan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ilagay ang piniritong baboy at isabay na din ang suka, toyo, paminta at dahon ng laurel.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.
5.  Kung malapit nang lumambot ang baboy, maaari nang ilagay ang manok at brown sugar.  halu-haluin.   Takpan muli at hayaang maluto naman ang manok.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy