CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE


My kids loves fried chicken kaya naman hindi ito mawawala sa menu madalas.    Pero para hindi sila mag-sawa (na malayo namang mangyari...hehehe)   nilalagyan ko ng twist o flavor ang aking nilulutong fried chicken.   Basta ang ginagawa ko lang ay tinatanong ko sila sa mga flavor na pwede kong gawin.

Kagaya nitong dish natin for today.   Tinanong ko sila kung gusto yung medyo spicy na glaze o yung medyo manamis-namis.   Yung manamis-namis ang napili nila kaya eto na po ang kinalabasan.

Simple lang ang glaze na ito.   Dalawang sangkap lang ang kailangan at ayos na.   Try nyo din po.


CRISPY FRIED CHICKEN with HONEY-BUTTER GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Chicken (Legs, wings, thigh parts)
2 cups Cornstarch
1 tbsp. Garlic Powder
Salt and pepper to taste
1 cup Pure HoneyBee
3/4 cup Melted Butter
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ang manok ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.   Mas matagal mas mainam.
2.   Ilagay ang manok sa isang zip block o plastic bag kasama ng cornstarch at garlic powder.   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat na piraso ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging golden brown ang kulay.  Hanguin sa isang lalagyan.
4.   For the glaze, ilagay ang butter at honey bee sa isang kawali at pakuluan.   Halu-haluin
5.   Kapag medyo malapot na, ilagay ang piniritong manok at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!






Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy