HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY
Here's another summer cooking tip na pwede nyong gawin ngayon napaka-init ng panahon. Kaunti lang kasi ang preparasyon at hindi mo na kailangan pang magpa-init ng baga para lang makatikim o makakain ka ng inihaw na liempo. Although, mas masarap pa rin talaga ang ihaw sa baga, okay na okay din ito version na isa-suggest ko sa inyo.
HICKORY PAN-GRILLED PORK BELLY
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque marinade Mix
1 cup Sprite Soda
1 head Minced Garlic
1 tsp. Freshly Ground Black pepper
Salt to taste
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pork belly sa Clara Ole Hickory Barbeque marinade mix, Sprite Soda, minced Garlic, kaunting asin at dinurog na paminta ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
2. I-pan-grilled ito sa isang non-stick na kawali na may kaunting mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto ang magkabilang sides.
Ihain habang mainit pa na may kasamang toyo na may calamansi.
Enjoy!!!

Comments