CRISPY SISIG ala JAKE

Nagluto ako ng Lechon Kawali nitong isang araw.   Bale bago ako pumasok sa aking trabaho niluluto ko na ang pang-ulam ng aking mga anak para sa tanghalian at hapunan na din.   Isang ulam lang pangkaraniwan ang niluluto ko para di matrabaho.

Pagdating ko ng bahay kinagabihan laking gulat ko nang ang lechon kawali na niluto ko ay ginawa namang sisig ng panganay kong anak na si Jake.   Tinanong ko siya kung papaano niya ito ginawa at nakakatuwa naman dahil masarap ang niluto niya.   Kaya naman eto at ibinabahagi ko sa inyo ang version ng sisig ng anak kong si Jake.   Try nyo din po.


CRISPY SISIG ala JAKE

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly o Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 pcs. Onion (sliced)
1 head Garlic
1 tbsp. Whole Pepper Corn
3 tbsp. Rock Salt
Cooking Oil for Frying
1 cup Mayonaise
2 pcs. White Onion (chopped)
1/2 cup Butter or Margarine
3 pcs. Siling Pang-sigang (sliced)
3 tbsp. Katas ng Calamansi

Paraan ng pagluluto:
Part 1: 
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang pork belly at lahat ng mga sangkap maliban lamang sa cooking oil. 
2.   Lagyan ng tubig.  Dapat lubog ang pork belly.
3.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
4.   Hanguin at saka palamigin.
5.  Tusuk-tuskin ng tinidor ang balat na parte sa lahat na bahagi.
6.  I-slice ito ng mag 1/2 inch ang kapal.
7.   Ilagay sa freezer at hayaan ng overnight.
Part 2:
8.   Magpakulo ng mantika sa isang kawali.   Dapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito.
9.   Kapag kumukulo na ilagay na ang bawat piraso ng hiniwang pork belly straight from the freezer.   Ang mainam sa prosesong ito, hindi ito magpupuputok kapag piniprito.
10.   I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay ang mag-pop na ang balat.
11.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Part 3:
12.   I-chopped ng maliliit ang lechon kawali.
13.   Sa isang  non-stick na kawali, igisa ang sibuyas sa butter o margarine
14.   Isunod na agad ang tinadtad na lechon kawali, hiniwang siling pang-sigang at katas ng calamansi.   Halu-halo lang
15.   Patayin ang kalan at ihalo naman ang mayonaise.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
namana po ba ng mga anak ninyo ang husay ninyo sa pagluluto?
Dennis said…
Mukhang mya future....hehehehe. Actually, nagte-take siya ngayon ng HRM sa college and after nun magku-culinary daw siya. Support lang ang daddy....hehehehe
Anonymous said…
wow, nakakatuwa. kung ano talaga ang nakikita ng bata at nakagisnan sa tahanan, nagiging bahagi nila at ng kanilang mararating sa buhay. idol talaga kayo. masuwerte ang mga anak ninyo. regular reader po ako, bihira lang mag-comment.
Dennis said…
Salamat kaibigan..sana nagpakilala ka para na-address kita ng mabuti. At salamat sa patuloy mog pag-suporta sa blog kong ito.
Unknown said…
Nkktuwa n my ktulad nyong ngsheshare ng mga niluluto nyo,slmt po,ung dish po s blog nto at ngawa q na at ang srp tlga.tnx Kua Dennis s share mong mga dish sna mrmi p po kaung mailutong kakaiba god bless po.
Dennis said…
Salamat...Basta may katanungan ka sa mga recipes mag-post ka lang. Sasagutin ko ito sa abot ng aking makakaya.

Pakilala ka naman para ma-address kita properly.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy