LECHON KAWALI ESPESYAL
Sino ang hindi mapaparami ang kain kapag itong lechon kawali ang ulam. Mapa-mang Tomas man o suka ang sawsawan nito tiyak panalo ang kain mo.
Madali lang naman magluto ng lechon kawali. Ang mahirap na parte lang ay yung pagpi-prito nito. Kagaya ng madalas ko nang mabanggit dito sa blog, para hindi magpuputok ito habang pini-prito, dapat ilagay muna sa freezer ang pinalambot na karne at saka diretso na sa kumukulong mantika. Importante din tusok-tusukin ng tinidor ang balat na parte para mag-pop ito hanag pini-prito. Gawin ito bago ilagay sa freezer.
Also, mainam na lagyan ng pampalasa ang tubig na pagpapakuluan ng liempo. Pwedeng mag-lagay ng mga pampalasa kagaya ng laurel, tanglad, bawang, sibuyas, star anise at iba pa. Ngayon kung gusto nyo naman ng plain na lasa lang, asin, bawang, sibuyas at paminta lang ay okay na. Try nyo din po.
LECHON KAWALI ESPESYAL
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba at walang buto)
Tanglad
Bawang
Sibuyas
Rock Salt
Paminta Buo
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat na mga sangkap maliban sa cooking oil. Lagyan ito ng tubig. Dapat lubog ang karne sa tubig. Pakuluan ito hanggang sa lumambot o maluto ang karne.
2. Hanguin ang pinalambot na pork belly at palamigin.
3. Tusuk-tusukin ng tinidor ang balat ng parte nga karne. Sa lahat na parte
4. Hiwaan hanggang sa first layer lang ng taba ang karne ng may 1/2 inch na kapal.
5. Ilagay sa freezer ng overnight.
6. From the freezer, i-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa maging crispy ang balat.
7. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin ng kaunti bago i-chop ng pa-cubes.
Ihain na may kasamang sarsa ng lechon o suka na may sili, asin. bawang at sibuyas.
Enjoy!!!1
Comments