LEMON-GARLIC FRIED CHICKEN
Maraming klase na ng fried chicken ang nagawa ko at nai-post sa food blog kong ito. Hindi ko lang matiis na hindi i-post ang isang ito dahil masarap talaga at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay.
Sa pagluluto ng masarap na fried chicken, importante ang marinade mix o ang pampalasa na inyong ilalagay dito. Mula sa pinaka-simple at yung medyo kumplikado. In this version, masasabi kong pinaghalo itong western at asian na flavor. Try nyo din po. Masarap po talaga.
LEMON-GARLIC FRIED CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs (cut into thigh and drumstick)
1 pc. Lemon
Lemon Zest from the lemon
1 tbsp. Garlic Powder
3 tbsp. Patis
1 tsp. Rock Salt
1 tsp. Fresh Ground Black Pepper
1 cup Cornstarch
1 cup Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang manok sa katas ng lemon, lemon zest, garlic powder, patis, asin at paminta. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bowl paghaluin ang Maggie Magic Sarap, cornstarch at flour. Haluing mabuti.
3. Igulong sa ginawang breadings ang bawat piraso ng manok. Hayaan muna ng mga 30 minuto bago i-prito.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang gravy o catsup.
Enjoy!!!!
Comments