PATA KARE-KARE ESPESYAL


Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko sa nakaraang fiesta sa aming lugar.   Pata Kare-kare Espesyal.

Pangkaraniwang kare-kare na nakikita natin sa mga fiesta o handaan ay yung magkahalo na ang gulay at karne.  Yun din ang aking nakagisnan sa amin sa Bulacan.   Pero dito sa version kong ito, hiwalay kong niluto ang pata at ang gulay at magkahiwalay din ito ng i-serve.   Natutunan ko ito sa aming dating helper na tama din naman para dun sa mga kakain na ayaw ng karne o gulay lang ang gusto.

Also, hindi na ako nagpakahirap pa na magluto ng dish na ito from scratch.   Instant kare-kare mix lang ang aking ginamit na okay din naman ang lasa.    Ika nga, wala na tayong rason na hindi tayo marunong magluto ng kare-kare...hehehehe.


PATA KARE-KARE ESPESYAL

Mga Sangkap:
2 pcs. Pata ng Baboy (cut into serving pieces)
2 sachet Mama Sita Kare-kare Mix
1 cup Dinikdik na Adobong Mani
Sitaw
Talong
Pechay Tagalog o Bok Choi
1 head minced Garlic
2 pcs. Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1.  Pakuluan ang hiniwang pata ng baboy sa isang kaserolang may tubig, asin at paminta hanggang sa lumambot.   Hanguin muna ang laman sa  saing lalagyan.
2.   Sa isa pang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Isunod na agad ang pinalambot na pata at ilagay na din ang 2 sachet ng kare-kare mix.    Lagyan din ng sabaw na pinaglagaan ng pata depende sa dami ng sauce na nais.    Hayaang kumulo depende sa lambot ng karne.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Okay lang na matabang dahil may bagoong naman na makakasama ito.
5.   Para sa gulay:   Pakuluan muli ang sabaw na pinaglagaan ng pata.
6.   Isa-isang pakuluan ang gulay at hanguin sa isang lalagyan.
7.   I-serve ito katulad ng nasa larawan sa itaas.   Ibudbod ang dinikdik na mani sa ibabaw.

I-serve na may kasamang bagoong alamang.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy