PORK BASIL BOLA-BOLA
Narito po ang isang dish na pwedeng i-ulam sa kanin o kaya naman ay ihalo sa ano mang klase ng pasta. Pork Basil Bola-bola.
Dapat sana lumpiang shanghai ang gagawin ko sa nabili kong giniling na baboy kaso nakalimutan kong bumili ng lumpia wrapper. Buti na lang at may natira pang fresh basil leaves at pasta sauce na ginamit ko sa isang pasta dish at naisip kong gawin na nga lang itong bola-bola. Ayos naman ang kinalabasan at masarap talaga.
PORK BASIL BOLA-BOLA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Giniling na Baboy
2 cups Fresh Basil Leaves (chopped)
2 pcs. White Onion (chopped)
1 pc. Carrot (cut into small cubes)
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 cup Flour
Salt and pepper to tasteCooking oil for frying
For the Sauce:
2 cups Pasta or Spaghetti Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
2 tbsp. Butter or Cooking Oil
1 cup grated Cheese
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng angkap para sa bola-bola maliban sa mantika. Haluin itong mabuti.
2. Gumawa ng mga bola-bola sa nais na laki. Ilagay muna sa isang lalagyan.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto. Hanguin muna sa isang lalagyan.
4. For the sauce: Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika o butter.
5. Sunod na ilagay ang pasta o spaghetti sauce at halu-haluin sa katamtamang lakas ng apoy.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo ang bola-bola sa ginawang sauce.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments