SWEET and SOUR LAPU-LAPU
Kagaya ng madalas kong mabanggit sa aking mga post, madali na na magluto ngayon ng mga paborito nating mga ulam. Marami na kasing available na mga sauces and mixes ng mga paborito nating ulam sa market. Mula sa paborito nating kare-kare at maging sa kumplikadong caldereta o menudo man. Kahit nga iba't-ibang klase ng adobo ay mayroon na din. At hindi rin nahuhuli itong sweet and sour mix na ito na nakita ko sa market. Madali at masarap din katulad ng original na paraan ng pagluluto. Try nyo din po. (Free advertisement yan Del Monte ha....heheheeh)
SWEET and SOUR LAPU-LAPU
Mga Sangkap:
10 pcs. Baby Lapu-lapu
1 pack of Del MonteQuick n Easy Sweet & Sour Mix
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. White Onion (sliced)
3 tbsp. Melted Butter
Cooking Oil for Frying
Leeks to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang nalinisan na na baby lapu-lapu. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang maluto.
3. Sa isang sauce pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
4. Sunod na ilagay ang tinunaw na sweet and sour mix. Halu-haluin. Maaaring lagyan pa ng tub ig hanggang makuha ang tamang lapot ng sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ibuhos ito sa piniritong baby lapu-lapu
7. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang leeks
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments