CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE
Hello po sa lahat ng tagasubaybay ng food blog kong ito. Pasensya na po kung hindi po ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw at linggo. Nagkasakit po kasi ako at naoperahan. Pero okay na nama po ako ngayon. Pipilitin ko po na makapag-post na ng mga masasasarap na putahe sa abot ng aking makakaya.
Today, isang simple at masarap na chicken dish ang aking handog sa inyo. For sure ay magugustuhan ito ng inyong mga anak. Simple din kasi ang mga sangkap at paraan ng pagluluto nito. Try nyo din po.
CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumstick or Thigh
1 pc.Lemon
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the Glaze:
1 cup Hickory Barbeque Sauce
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Grated Ginger
2 pcs. White Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
3 tbsp. Melted Butter
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa katas ng lemon, asin at paminta at hayaan ng mga 1 oras o higit pa.
2. Paghaluin ang harina, cornstarch at maggie magic sarap sa isang bowl.
3. Igulongang bawat pirso ng manok sa ginawang breadings. Hayaan muna ng ilang sandali.
4. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
5. For the glaze: Sa isang kawali, i-prito ang sibuyas sa butter hanggang sa medyo maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
6. Sunod na igisa ang bawang at grated na luya.
7. Ilagay na din ang barbeque sauce, chili-garlic sauce at brown sugar.
8. Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce.
9. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10. Ilagay ang piniritong manok at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang bawat piraso ng manok.
11. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong sibuyas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments