CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche. Crab Stick and Cucumber Spring Roll.
Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive. Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito. Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya.
Madali lang naman ang appetizer na ito. Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble. Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper.
Pero winner talaga ang spring roll na ito. Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin. Try nyo din po.
CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL
Mga Sangkap:
Rice Paper
Crab Sticks (cut into strips)
Cucumber (cut into strips)
Romaine Lettuce
Cashiew Nuts (durugin)
For the sauce:Mayonaise
All Purpose Cream
Peanut Butter
Sesame Oil
Salt and pepper to taste
To assemble:
1. Ilubog ang 1 piraso ng rice paper sa tubig.
2. Ilatag ito sa isang plato at ilagay ang 1 pirasong dahon ng lettuce, kaunting crab sticks, kaunting pipino at dinurog na cashiew nuts.
3. I-roll ito ng mahigpit...nakasara ang dalawang gilid...at hiwain ng pahalang sa gitna. Ulitin lamang ito sa lahat ng mga sangkap.
4. For the sauce: Paghaluin lang ang Mayonaise, all purpose cream, peanut butter, sesame oil at kaunting asin at paminta. Para sa dami ng gagamitng mga sangkap, tantyahin lamang ang dami depende sa dami ng spring roll na gagawin.
Ihain agad and enjoy!!!

Comments
Gud pm, yung crab stick po..d po un lulutuin?
renz
- Dennis