ISPAGETING PINOY
Sa ating mga pinoy, basta may birthday hindi talaga mawawala ang pancit o kaya naman ay spaghetti. Ito marahil ang namana natin sa ating mag ninunong intsik na ang ibig sabihin ay long life o pampahaba ng buhay. Kahit nga nasa malayong lugar ang may birthday o kaya naman ay yumao na, inaalala pa din natin sila sa paghahanda ng mga ganitong klaseng pagkain. Kagaya na lang nitong nakaraang May 29. Birthday ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Beth. Nasa Ireland sila. Pero nung araw na iyon, naisipan kong ipagluto siya ng spaghetti kahit biglaan. Pinoy style na spaghetti ang niluto ko. Meaning, medyo manamis-namis ang sauce nito at syempre hindi mawawala ang sahog na hotdog at giniling na baboy. Pero wag ka, naubos ha. Para kasing spaghetti ng Jollibee ang dating ng niluto ko. hehehehe. Magluluto ulit ako nito sa darating na mga araw.....hehehee. ISPAGETING PINOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta cooked according to package direction 1/2 kilo Pork giniling 1/4 kilo Purefoods
Comments