Posts

Tinolang Manok

Image
Noong araw ang Tinolang Manok ay isang espesyal na ulam sa mga espesyal na okasyon. Di ba nga dun sa awit na Pamasko may bahagi doon na..."....Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya...nagluto ang Ate ng manok na tinola....". Kahit naman sa mga probinsya, kapag may mga bisita na dumarating ito din ang inihahanda nila na ulam. Although ngayon parang pangkaraniwan na ang ulam na ito, pero maituturing ko na espensyal pa rin ito para sa akin. Sa recipe natin for today yung tradisyunal na pamamaraan ang ginamit ko at may dinagdag pa ako na twist sa huli. Try nyo at magugustuhan nyo ito. TINOLANG MANOK Mga sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 200 grams chicken liver 1 medium size Green Papaya Dahon ng sili 2 tumb size ginger (hiwain na parang palito ng posporo) 3 pcs. siling pang sigang 1/2 cloves garlic 1 medium size onion patis pamintang buo achuete ilagay sa 1/2 cup na tubig 1 knorr chicken cube Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang ang si...

Bagkat na Kamoteng Kahoy at Sago

Image
Bagkat. Hindi ko alam kung saan ang origin ng salitang ito, pero ng i-check ko ang kahuligan nito sa net, ito ay ay ang pagluluto ng kamote o saging na saba sa asukal na pula or brown sugar. Nang tanungin ko naman ang officemate ko na kapampangan ang pagka-alam naman niya ay yung mga luto na minatamisan. Tama naman pala ang tawag sa recipe natin for today. Yun lang hindi asukal na pula ang ginamit ko. Madali lang itong lutuin. Pero ang i-she-share ko sa inyo ay yung iba pang pwedeng gawin sa lutuing ito. Twist kung baga. BAGKAT NA KAMOTENG KAHOY AT SAGO Mga Sangkap: 1 1/2 kilo Kamoteng kahoy o Casava 1/2 kilo Sugar (White or brown) 1/2 Kilo Sago 1 tbsp. Vanilla Paraan ng Pagluluto: 1. Balatan ang kamoteng kahoy at hiwain ayon sa laki na gusto ninyo 2. Ilagay sa isang kaserola, lagyan ng tubig at pakuluan. 3. Kung malapit ng maluto ang kamote, ilagay ang asukal. Hayaang kumulo ng mga 10 minutes 4. Ilagay ang sago at vanilla....Palamigin bago kainin. Mga pwede pang gawin sa lutuing ito. ...

Porkloin Asado

Image
Asado. Ang alam ko ang original recipe nito ay galing sa mga Espanyol. Sa tagal na sinakop tayo nila, ang mga lutuin nila ang isa sa mga namana natin sa matagal na panahon. Katulad ng mga ulam na may Do sa dulo katulad ng Menudo at Embotido, marami itong variety. Depende na lang sa magluluto kung anong mga lahok pa ang kanyang ilalagay dito. Sa asado version kong ito, yung sa mga Chinese ang ginamit ko. Actually wala akong recipe na pinaggayahan nito. Basta pinaghalo-halo ko lang ang mga sangkap, and presto ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito at natitiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong pamilya ang ulam na ito. PORKLOIN ASADO Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin o Lomo 1/2 cup soy sauce 1/2 cup vinegar salt and pepper 1 cloves garlic 1 onion 2 pcs. star anise 3 tbsp. brown sugar juice from 4 pcs. calamansi 1/4 kilo chinese pechay corn starch Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang porkloin o lomo sa asin, paminta, calamansi, bawang, suka at toyo. Hayaan ng mga ilang oras bago lutuin. 2. ...

Chicken Fingers with Mayo-Garlic and Basil Dip

Image
Ito yung isa pang dish na niluto ko for my son Anton in his graduation day. Actually madali lang naman gawin ito. Yun lang ginaya ko yung paraan ng pagluluto ni Ms. Caren ng http://theeatingroom.wordpress.com/ . Tinuro niya dun kung papano mas magiging crispy ang chicken fillet sa pagluluto. This will be my second time na i-post ang dish na ito. Pero yun nga ay added twist tayo para mas sumarap ang ating niluluto. CHICKEN FINGERS WITH MAYO-GARLIC AND BASIL DIP Mga Sangkap: 1 kilo chicken breast fillet juice from 6 pcs. calamansi Japanese Bread crumbs 1 egg salt ang pepper maggie magic sarap (optional) cooking oil for frying For the Dip: 1 cup Mayonaise (Lady's Choice) 1/2 cup full cream milk 1 tbsp minced garlic 2 tbsp chopped fresh basil leaves salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ng pahaba ang chicken breast fillet 2. I-marinade ito sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam. Overnight is suggested) 3. Alisin ang...

Egg Surprise and Nido Soup

Image
Remember the pasta dish with meat balls na na-post ko 2 or 3 days ago? Yung mga sangkap na ginamit sa bola-bola is the same refipe na ginamit ko sa entry natin for today. Sabi ko nga sa post ko yesterday, dapat may mga twist tayong ginagawa para hindi maging boring ang ating eating esperience. Yung pangalan ng dish hindi ko matandaan kung saan ko nakuha. Pero alam ko may dish na ganito talaga. Nang i-check ko sa net hindi ganito ang recipe ng ginawa ko. Actually kaya ito ang ipinangalan ko kasi may element of surprise...hehehehe. Kung baga, parang bola-bola lang siya pero pag hiniwa mo may egg pala sa loob. Hehehehe Ito ang dinner namin last night, and it's a success. EGG SURPRISE Mga Sangkap: 8 hard boiled egg 1/2 kilo Pork Giniling 1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped 1 small sachet Maggie Magic Sarap 1 egg 1/2 cup all purpose flour 2 tbsp. soy sauce 1 carrots grated or finely chopped 3 cups cooking oil Salt and Pepper 2 cups japanese bread crumbs Paraan n...

Basil Fried Rice with Ham and Egg

Image
Para hindi maging boring ang pagkaing inihahanda natin sa ating mga pamilya, mas mainam na ginagawan natin ito ng konting experiment. Twist kung baga. Kahit yung mga ordinaryong pagkain pwede nating gawan ng ganito. Hindi naman kailangan na bagong ulam o bagong recipe. Ang importante medyo kakaiba at masarap ang lasa. Sa pagluluto nga, walang exact na recipe...pwede mo itong iba-ibahin ayon sa gusto mong mangyari. Halimbawa dyan ay itong niluto kong sinangag o fried rice. Sa halip na bawang lang ang sahog, nilagyan ko ng basil, ham at itlog. And presto...parang gourmet fried rice ang kinalabasan. BASIL FRIED RICE WITH HAM AND EGG Mga Sangkap: 4 cup cooked rice 3 butil na bawang 2 slices of break ham 1 scrambled egg fresh basil leaves finely chopped 1 small sachet maggie magic sarap 1 tbsp soy sauce 2 tbsp. olive oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o non-stick pan, ilagay ang olive oil 2. Kung mainit na, ilagay ang scrambled egg. Huwag hayaang mabuo, hal...

Pasta with Meat Balls

Image
Last Saturday, nag-graduate ang bunso kong si Anton. Balak ko talaga mag-handa ng kahit papano. Kaya naman bumili ako ng mga gamit sa lulutuin. Pero sabi ng asawa kong si Jolly sa labas na lang daw kami kumain para maiba naman daw. Ok lang naman kahit magastos...hehehehe. Sa Pizza Hut sa Gateway Mall kami natuloy kumain after ng graduation. Pero hindi iyung kinain namin sa Pissa Hut ang ike-kwento ko although masarap siya. Ang ishe-share ko ay yung di natuloy na pagkain na handa sana ng ga-graduate....hehehehe. Unahin muna natin ang Pasta with Meat Balls. Matagal ko nang gustong magluto nito....yun lang di matuloy-tuloy..at montik nang di na nga matuloy...hehehehe. Kaya eto na.... PASTA WITH MEAT BALLS Mga Sangkap: a. Para sa Spaghetti: 1/2 kilo Spaghetti noodles cooked al dente 1 big pouch Del Monte Spaghetti Sauce Italian Style 1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped 1/2 cup fresh basil leaves chopped 1/2 bar grated cheese 1 small sachet Maggie Magic Sarap Olive ...