Chicken Fingers with Mayo-Garlic and Basil Dip
Ito yung isa pang dish na niluto ko for my son Anton in his graduation day. Actually madali lang naman gawin ito. Yun lang ginaya ko yung paraan ng pagluluto ni Ms. Caren ng http://theeatingroom.wordpress.com/ . Tinuro niya dun kung papano mas magiging crispy ang chicken fillet sa pagluluto.
This will be my second time na i-post ang dish na ito. Pero yun nga ay added twist tayo para mas sumarap ang ating niluluto.
CHICKEN FINGERS WITH MAYO-GARLIC AND BASIL DIP
Mga Sangkap:
1 kilo chicken breast fillet
juice from 6 pcs. calamansi
Japanese Bread crumbs
1 egg
salt ang pepper
maggie magic sarap (optional)
cooking oil for frying
For the Dip:
1 cup Mayonaise (Lady's Choice)
1/2 cup full cream milk
1 tbsp minced garlic
2 tbsp chopped fresh basil leaves
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ng pahaba ang chicken breast fillet
2. I-marinade ito sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam. Overnight is suggested)
3. Alisin ang chicken fillet mula sa pinagbabadan. Gumamit ng paper towel kung kinakailangan.
4. Kumuha ng isang pirasong chicken fillet at ilubog sa binating itlog.
5. Igulong ito sa bread crumbs at diin-diinan para kumapit ang bread crumbs sa karne. Ilagay muna sa isang lalagyan. Maaring ilubog uli ito sa binating itlog at bread crumbs kung nain ninyo na mas crispy ang finished product.
6. Ulitin ang 4 & 5 hanggang sa matapos. Ilagay muna ito sa freezer ng mga ilang oras
7. Sa isang kawali, magpakulo ng mga 3 tasang mantika. Dapat lubog ang ipi-pritong manok.
8. I-prito hanggang sa maging golden brown ang mga chicken fillet
9. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika.
10. For the dip, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap at timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
11. Ihanda ito kasama ng Cripsy chicken fillet
The kids really love this dish. Ano pa? Basta chicken solve na solve ang mga anak ko. Pinatikim ko din ang anak ng kapitbahay ko na si JR, puring-puri niya ang Mayo-Garlic Dip. Hehehe.
Tara! Kain tayo!
Comments
Dennis