Pasta with Meat Balls





Last Saturday, nag-graduate ang bunso kong si Anton. Balak ko talaga mag-handa ng kahit papano. Kaya naman bumili ako ng mga gamit sa lulutuin. Pero sabi ng asawa kong si Jolly sa labas na lang daw kami kumain para maiba naman daw. Ok lang naman kahit magastos...hehehehe. Sa Pizza Hut sa Gateway Mall kami natuloy kumain after ng graduation.



Pero hindi iyung kinain namin sa Pissa Hut ang ike-kwento ko although masarap siya. Ang ishe-share ko ay yung di natuloy na pagkain na handa sana ng ga-graduate....hehehehe. Unahin muna natin ang Pasta with Meat Balls. Matagal ko nang gustong magluto nito....yun lang di matuloy-tuloy..at montik nang di na nga matuloy...hehehehe. Kaya eto na....




PASTA WITH MEAT BALLS



Mga Sangkap:



a. Para sa Spaghetti:


1/2 kilo Spaghetti noodles cooked al dente


1 big pouch Del Monte Spaghetti Sauce Italian Style


1 cloves garlic finely chopped


2 medium onion finely chopped


1/2 cup fresh basil leaves chopped


1/2 bar grated cheese


1 small sachet Maggie Magic Sarap


Olive oil


Salt and Pepper




b. Para sa Bola-bola


1/2 kilo Pork Giniling


1 cloves garlic finely chopped
2 medium onion finely chopped


1 small sachet Maggie Magic Sarap


1 eggs


1/2 cup all purpose flour


2 tbsp. soy sauce


1 carrots grated or finely chopped


cooking oil


Salt and Pepper




Paraan ng Pagluluto:


1. Paghaluin ang lahat ng sangkap para sa bola-bola


2. Gumawa ng bola-bola. Yung katamtaman lang ang laki.


3. I-prito ang bola-bola at ilagay sa isang lalagyan.


4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil


5. Ilagay ang spaghetti sauce. Halu-haluin. Hayaang kumulo.


6. Ilagay ang piniritong bola-bola, chopped basil leaves at konting ginaggad na keso


7. Timplahan ng maggie magic sarap, asin at paminta ayon sa inyong panlasa


8. Lagyan ng olive oil ang nilutong pasta at halu-haluin


9. Maglagay sa isang plato ng pasta noodles at lagyan sa ibabaw ng nilutong spaghetti sauce na may bola-bola sa ibabaw. Lagyan din ng ginadgad na keso at chopped basil.




Sarap nito promise! Kain na tayo.....


Comments

Cool Fern said…
congratulations..to the graduate..
tamang tama ang hinanda mo kasi yan talaga ang favorite ng mga young ones ngayon...
Dennis said…
Thanks Cool Fern.... alam mo ang mga bulilit ko kahit ano ata ihanda mo solve sila...basta wag lang gulay....hahahahaha. lalo na yung pangalawang kong anak. Pero paunti-unti naman natututo na din....hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy