Posts

TENGALING (Crispy Pork Ears)

Image
Noon ko pa gustong magluto nito, kaso hindi ako nagagawi ng palengke para makabili ng tenga o ulo ng baboy. Madalas kasi sa supermarket ako namimili ng pagkain namin sa araw-araw. Pero nitong isang araw, napadaan ako sa Farmers market at yun nga nakabili ako ng ulo ng baboy na gagamitin ko sa pagluluto ng Tengaling. Siguro magtataka kayo? Papano yun? Bibili ba ako ng 1 buong ulo ng baboy? Papano ko siya aalisin sa buto o dun sa bungo ng baboy? May nabibili sa palengke na tanggal na ang buto. Ang tawag dun ay maskara. O kaya naman pwede nyong patanghal na sa matadero yung buto. Sa isang sikat na Filipino restaurant ko unang natikman ang lutuing ito. Masarap talaga siya na pulutan o kaya naman ay pampagana bago kumain sa isang kainan. Pwede din itong pika-pika sa mga salu-salo o party. Yun lang, medyo hinay-hinay sa mga may highblood....hehehehe. Sarap nito lalo na pag may sawsawang suka na may sili.....hehehe. Try nyo ito! TENGALING (Crispy Pork Ears) Mga Sangkap: 500 grams to 1 kilo Te...

HERBED FRIED CHICKEN

Image
Ang galing talaga ng Internet. Bukod sa marami kang matutunan dito ay nagiging daan din ito para magka-ugnay muli ang mga magkakapamilya at magkakaibigan. Kung naghahanap ka din ng mga recipe ang dali lang makahanap dito. Last Saturday, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-chat sa YM ang asawa ng dati kong kasamahan sa trabaho na si Mareng Olive. Asawa siya ng kumpare kong si Pareng Chito na naka-trabaho ko sa AMA Meycauayan. Matagal na kaming hindi nagkikita ng mga kaibigan kong ito. Siguro mga 8 taon na na hindi kami nagkikita. Yun nga nagka-chat kami at isa sa napag-usapan namin ay itong munti kong food blog. Nabanggit di niya na na nasubukan na din niya ang mga ilan sa recipe ko at isa sa mga na-try niya ay yung cripsy chicken with curry powder. Nagustuhan naman daw ng anak niyang si Hubert ang luto dahil mahilig ito sa fried chicken. Ang bata nga palang ito ay inaanak ko. Tagal na din kaming hindi nagkikita at malaki na ang utang ko sa batang ito. At yun nga, komo mahilig pala sa ...

NILAGANG BAKA

Image
Napansin ko sa archive ng mga na-post ko ng recipe, wala pa pala akong entry para sa Nilagang Baka. Pero marahil komo nga simpleng lutuin lang ito kaya hindi ko masyadong nabigyan ng pansin. Meron ako post pero Bulalo yun. Although, pareho lang ang recipe at pamamaraan ng pagluluto nito. Mayroon akong ilang twist na ginawa para mas lalo pa nating mapasarap ang masarap na na nilagang baka. Isa pa nga pala. Sa amin sa Bulacan, espesyal na ulam ang Nilagang Baka. Marahil ay sa mahal nabibili ang karne ng baka kaya ganito. Kung Linggo, ito ang madalas na ulam sa amin. At talaga namang hindi ka magsasawa sa sarap ng sabaw lalo pat naguuulan....hehehehe. Try nyo ito at subukan nyop din ang twist na ginawa at hindi ako mapapahiya...hehehehe. NILAGANG BAKA Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (o kahit anong parte o laman ng baka) cut into Cubes 2 taling pechay 1/2 Repolyo (hatiin at hiwa-hiwalayin ang mga dahon) 2 tangkay ng Leek (Gayatin ang white portion at hiwain naman ng 1 inch ang green part)...

SLICED PORK in HOFAN NOODLES

Image
The original plan is to cook Beef Hofan. Kaso, ang mahal kasi ng beef ngayon. Yung malambot na part ng beef na para sa ganitong lutuin nasa P300+ ang presyo. Aba, ay pang dalawang ulam na namin yun. hehehehe. Kaya eto, nauwi sa sliced pork ang dapat sana ay beef. Pero okay na din. Yung lasa na gusto kong mangyari at nagawa ko naman. Less the beef ofcourse....hehehehe. The first time na naka-kain ng beef Hofan sa isang chinese restaurant dito sa may Jupiter Makati, nagustuhan ko na. Ang sarap kasi nang pagkaka-blend nung alat at tamis ng sauce. Remember yung Chicken Liver in Hofan noodles na recipe ko? Ganito din ang mga sangkap nun maliban dun sa chicken liver nga. At panalo na naman sa mga anak ko ang lutuing ito. hehehe. Try it! Naisip ko lang...parang masarap din itong lagyan ng chopped wansuy leaves...hehehe..next time. SLICED PORK in HOFAN NOODLES Mga Sangkap: 1/2 kilo Sliced Pork (Pigue ata ito....yung puro laman) 250 grams. Hofan noodles (ibabad sa tubig ng mga 10 minuto) 1/2 c...

DAING NA BANGUS with PINEAPPLE SAUCE

Image
Lagi kong sinasabi, hindi kailangang gumastos ng mahal para lang maka-kain ng masarap. Kailangan lang natin ng konting imagination at innovation para maka-gawa tayo ng isang masarap na putahe. Katulad na lang ng recipe natin for today. Ordinaryong daing na bangus lang ito. Pero nung nilagyan natin ng sweet and sour sauce gamit ang pineapple juice, naging espesyal ang simpleng daing na bangus. Try nyo ito...kakaiba talaga at masarap. Daing NA Bangus with Pineapple Sauce Mga Sangkap: 2 pcs. Boneless Bangus 1 small can Del Monte Pineapple juice 1 small carrot 1 small red or green bell pepper 1 large white onion 1 thumb size ginger 1 tsp. minced garlic 3 tbsp. sugar salt and pepper 1 8g sachet maggie magic sarap cooking oil for frying 2 tbsp. butter 1 tsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang bangus sa asin, paminta at magie magic sarap 2. Hiwain ang carrots, red bell pepper, luya at sibuyas ng pahaba. Parang palito ng posporo 3. I-prito ang bangus sa mantika. Han...

TORTANG TALONG with CHEESE

Image
Natatandaan nyo yung posting ko na Lumpiang Shanghai? May natira pang mga 1 cup na palaman. Naubusan na kasi akong ng lumpia wrapper. So, eto ang kinalabasan, Tortang Talong. At para naman maging espesyal ang lutuin kong ito, nilagyan ko ng cheese sa ibabaw. Alam nyo ang kinalabasan? Ang sarap....Hindi ko sinasabi ito dahil ako ang nag-luto, pero ang laki ang naitulong ng cheese sa kabuuang lasa. Paborito ko talaga ang Tortang Talong. May palaman man o wala, solve na solve sa akin ito. Mas masarap ito kung inihaw talaga sa baga ang talong saka ito-torta. Pero komo nga wala naman kaming ihawan dito sa bahay, niluto ko na lang sa microwae. Okay din naman. Pero syempre para sa akin mas masarap yung ihaw talaga sa baga. Nandun kasi yung smokey taste at smell. TORTANG TALONG with CHEESE Mga Sangkap: 4 pcs. large na Talong 1 cup leftover Lumpiang Shanghai mix 1 medium size potato (Hiwain na parang match sticks) 1/2 cup grated cheese 3 eggs beaten 2 tbsp. flour cooking oil for frying Paraan n...

ALPAHOR / PININDOT / Ginataang Halo-halo

Image
Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng recipe natin for today. Sa amin sa Bulacan, Alpahor ang tawag dito. Dito sa Manila, kilala ito sa tawag na Ginataang Halo-halo. Sa bayan ng asawa ko Batangas, Pinindot naman ang tawag dito. Ang pagkakaiba lang ng luto sa Batangas, wala itong masyadong sahog. Bilo-bilo lang at sago ata ang laman. Ito ay isang pagkaing pinoy na pang-meryenda o kaya naman ay pang-himagas. Masarap ito. Lalo na kung kumpleto ang sangkap. Itong niluto ko ay kaunti lang ang sahog. But what is important ay maipakita ko ang basic na sangkap at pamamaraan nito sa pagluluto. ALPAHOR / PININDOT / Ginataang Halo-halo Mga Sangkap: 4 cups Glutinous Rice Powder 1 tall can Coconut milk o kaya naman gata mula sa 2 niyog 4 pcs. Saging na Saba 3 pcs. Camote 2 cups Sago 3 pcs. Gabi or ube 2 pcs. pandan leaves 1/2 kilo sugar 1 tbsp. vanilla Paraan ng Pagluluto: 1. Ilagay sa isang bowl ang powder na malagkit. Lagyan ng 2 cups na tubig. Halu-haluin. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan. ...