SLICED PORK in HOFAN NOODLES


The original plan is to cook Beef Hofan. Kaso, ang mahal kasi ng beef ngayon. Yung malambot na part ng beef na para sa ganitong lutuin nasa P300+ ang presyo. Aba, ay pang dalawang ulam na namin yun. hehehehe. Kaya eto, nauwi sa sliced pork ang dapat sana ay beef. Pero okay na din. Yung lasa na gusto kong mangyari at nagawa ko naman. Less the beef ofcourse....hehehehe.

The first time na naka-kain ng beef Hofan sa isang chinese restaurant dito sa may Jupiter Makati, nagustuhan ko na. Ang sarap kasi nang pagkaka-blend nung alat at tamis ng sauce. Remember yung Chicken Liver in Hofan noodles na recipe ko? Ganito din ang mga sangkap nun maliban dun sa chicken liver nga. At panalo na naman sa mga anak ko ang lutuing ito. hehehe. Try it! Naisip ko lang...parang masarap din itong lagyan ng chopped wansuy leaves...hehehe..next time.

SLICED PORK in HOFAN NOODLES

Mga Sangkap:

1/2 kilo Sliced Pork (Pigue ata ito....yung puro laman)

250 grams. Hofan noodles (ibabad sa tubig ng mga 10 minuto)

1/2 cup Oyster sauce

1/2 cup soy sauce

1 head minced garlic

1 large red onion chopped

1 thumb size ginger grated

4 tbsp. sugar

salt and pepper

2 tbsp. butter



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan o kawali, i-prito ang binating itlog at hanguin sa isang lalagyan.

2. Sa parehong kawali, I-prito ang sliced pork sa butter.

3. Lagyan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

4. Kung medyo mapula na ang mga sliced ng karne, ilagay ito sa gilid ng kawali at igisa ang luya, bawang at sibuyas.

5. Halu-haluin ito kasama ang karne.

6. Ilagay ang toyo, oyster sauce, asukal at kaunting tubig. Hayaang maluto hanggang sa lumabot ang karne.

7. I-adjust ang lasa. maaring lagyan pa ng asin, paminta at asukal.

8. Ilagay ang hofan noodles. Halu-haluin hanggang sa kumalat ang sauce sa hofan noodles.

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng ginayat na piniritong itlog sa ibabaw.



Ihain habang mainit pa.



Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy