DAING NA BANGUS with PINEAPPLE SAUCE
Daing NA Bangus with Pineapple Sauce
Mga Sangkap:
2 pcs. Boneless Bangus
1 small can Del Monte Pineapple juice
1 small carrot
1 small red or green bell pepper
1 large white onion
1 thumb size ginger
1 tsp. minced garlic
3 tbsp. sugar
salt and pepper
1 8g sachet maggie magic sarap
cooking oil for frying
2 tbsp. butter
1 tsp. cornstarch
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang bangus sa asin, paminta at magie magic sarap
2. Hiwain ang carrots, red bell pepper, luya at sibuyas ng pahaba. Parang palito ng posporo
3. I-prito ang bangus sa mantika. Hanguin sa isang lalagyan
4. Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang luya, bawang, sibuyas sa butter
5. Agad ilagay ang carrots at red bell pepper
6. Ilagay ang pineapple juice at halu-haluin
7. Timplahan ng asin, paminta at asukal. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat, tamis at asim ng pineapple juice.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
9. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong bangus.
Ihain habang mainit
Enjoy!
Comments
Dennis