Posts

MINCED PORK in LETTUCE and HOISIN SAUCE

Image
May natira pa akong giniling na baboy sa aking freezer at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. Actually maraming pwedeng pag-gamitan. Pwedeng isahog sa gulay o kaya naman ay sa pasta. Naalala kong bigla ang isang posting ni Ms. Caren ng The Eating Room ( http://theeatingroom.wordpress.com/ ) na may title Minced Pork in Lettuce Wrap. At ito nga ang ginawa kong luto sa hamak na pork giniling na ito. May natikman na din akong ganito sa isang chinese restaurant sa Binondo pero hindi giniling ang laman kundi kalapati. Pero ganito din ito kung paano kainin. Sa isang lettuce leaves, papahiran mo ng hoisin sauce at saka mo lalagyan ng giniling na karne na ito. Ibabalot mo na parang lumpia at saka mo kakainin. Masarap ito as a starter sa isang espesyal na kainan. MINCED PORK in LETTUCE ana HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 250 grams Ground Pork 1 cup Mixed Vegetables (carrots, corn green peas) 2 tbsp. Oyster Sauce 1 tbsp. Soy Sauce 1 tsp. Sesame oil 3 cloves Minced Garlic 1 medium si...

CHICKEN LIVER, KIKIAM and VEGETABLES STIR FRY

Image
Stir frying ang isang lutuin na napakadali lang gawin. Kahit siguro beginner sa pagluluto ay kayang itong gawin. Basta kumpleto lang ang mga sangkap lalo na ang mga pampalasa, sugurado akong walang mintis ang kakalabasan. Sa mga nagmamadali palagi yung halimbawa ay galing ka pa sa iyong trabaho at naghihintay na for dinner ang iyong mga anak, itong stir fry dish na ito ang ayos na ayos. Itong dish na ito siguro maluluto mo sa loob lang ng mga 15 minutes. CHICKEN LIVER, KIKIAM and VEGETABLE STIR FRY Mga Sangkap: 500 grams Chicken liver 2 cups Sliced Chinese Kikiam 300 grams Cauliflower cut into bite size 100 grams Baguio beans cut into 1 inch long 1 large Carrot cut the same as the baguio beans 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 4 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced 1 tsp. Cornstarch 1 tsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa kaunting mantika i-prito ang chicken liver sa isang non-stick na kawali. 2. Kung medyo naluto na ang c...

TURBO BROILED LEMON CHICKEN

Image
Paborito sa bahay ang roasted chicken. Kung titingnan nyo sa archive marami na ang posting ng roasted chicken in so many flavors. Ang mga anak ko kahit anong flavor ng roasted chicken ay panalo pa rin sa kanila. hehehehe. Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa roasted chicken na simple lang at walang masyadong flavor o pampasarap na inilalagay. Mas gusto ko kasi yung nalalasan yung natural na flavor lang ng manok. At ito nga ang ginawa ko sa turbo broiled na lemon chicken na ito. 3 lang ang sangkap na aking inilagay. Asin, paminta at lemon. Ang kinalabasan? Isang masarap na roasted chicken. TURBO BROILED LEMON CHICKEN Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Thigh 1 pc. Lemon 1 tbsp. Ground Black pepper Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Hugasang mabuti ang manok. I-drain ang excess water at tusuk-tusukin ng kutsilyo ang laman ng manok. 2. Sa loob na parte ng hita ng manok (yung expose na ang buto at laman). Budburan ng asin at paminta. 3. Gadgarin ang balat ...

TINOLANG TAHONG

Image
May ka FB ang aking asawang si Jolly na may food blog din but actually hindi ko pa din naman ito nabi-bisita and I think kamag-anak niya ito na nasa Amerika. Ano ang kinalaman nito sa entry ko for today? Nabanggit kasi niya na may pinost ito na Tinolang Tahong sa kanyang blog at mukha daw masarap. Hindi ko man nakita o nabasa ang exact recipe nito sa blog niya, nasa isip ko lang ang kung papaano niluluto ang ordinaryong tinola na alam ko. Ang naka-gisnan ko kasi na luto ng tahong ay yung papakuluan lang sa luya at sibuyas na may asin at yun na. At ito nga ang nilutong kong ulam for dinner nitong isang araw. Nakakatuwa kasi hindi ko ine-expect na magugustuhan ito ng aking mga anak. Humihirit pa nga yung isa pero wala na akong maibigay. Sabi ko na lang, hayaan mo anak magluluto ulit ako nito sa isang araw. hehehehe Try nyo ito. Masarap talaga. Napaghahambingan ko yung mga instant noodles na seafoods flavor ang lasa ng sabaw nito. Ayos na ayos din ito sa mga ina na n...

COCA COLA ROAST PORK

Image
What? Coke sa roasted pork? Yup. Hindi kayo nagkakamali ng basa mga kapatid. Di ba ang Sprite o kaya naman ay 7-Up ay ginagamit din na pang-marinade sa mga paborito nating barbeque dishes? Dito taman ang paborito nating Coke ang bida. Actually, nabasa ko lang din sa isang food blog na coke ang gamitin na pang-marinade. Pero hindi ko sinunod ang recipe na nandun. Gumawa ako ng sarili kong recipe base na din sa flavor na gusto kong ilagay sa aking roasted pork. COCA COLA ROAST PORK Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Kasim (cut like a log) 2 cups Coke 1 head Minced Garlic 1/2 cup Sweet soy sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. Ground Black pepper 2 tbsp. Muscovado Sugar or brown sugar Salt to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Lagyan ng asin ang karne ng baboy. Hayaan ng ilang sandali. 2. Sa isang bowl pagsamahin ang lahat ng mga sangkap. I-marinade ang karne ng baboy ng isang araw o overnight. 3. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 45 na minuto hanggang sa isan oras o ha...

NILAGANG BAKA - Level Up

Image
Ang nilagang baka marahil ang pinaka-madaling lutuing ulam para sa ating pamilya. Walang kumplikadong na mga sangkap at as in tambog-tambog lang ang pamamaraan ng pagluluto nito. Kahit siguro hindi marunong magluto ay mailuluto ang soup dish na ito. Sa amin sa Bulacan, kahit simple lang ang dish na ito ay itinuturing na espesyal na ulam ito. Kung araw ng Linggo o kaya naman ay may bisita, nilagang baka ang soup o ang ipinauulam. Espesyal marahil komo nga medyo may kamahalan ang karne ng baka. Masarap na ilaga ang baka na may buto-buto. Di ba nga panalo ang bulalo sa ating panlasa. Hindi ako masyadong bumubili ng mga mabutong karne. Although masarap naman talaga ito sa mga masabaw na dish, sayang din kasi komo nga matatapon din lang ang buto pagkatapos. Sa nilagang baka kong ito. Ini-level up ko ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iba pang mga sangkap para mapalasa o mapasarap ang sabaw kahit walang buto na inilahok sa pagpapalambot. Ang sekreto? Nilagyan ko ng dried...

ROASTED CHICKEN with COCONUT MILK & PAPRIKA

Image
Gustong-gusto ng mga anak ko ang roasted chicken. Di ba nga may isang recipe ako ng roasted chicken na ipinangalan ko pa sa aking bonsong anak na si Anton? Basta ito ang ulam namin tiyak na ubos ang kanin sa kaldero. Hehehehe Kaya naman patuloy ako sa pagtuklas ng ibat-ibang recipe sa roasted chicken. Ang challenge kasi ay kung anong flavor ang pwede mong inpasok sa laman ng manok. Wala nang sasablay pa sa garlic, lemon o calamansi at pati na din lemon grass sa mga sangkap na pwedeng ilagay sa roasted chicken. Pag ito ang inilagay nyo, tiyak na walang sablay sa intong roasted chicken. May nabasa akong recipe sa fried chicken na coconut milk at powdered spices ang ginamit. Naisip ko lang bakit hindi ko kaya gamitin ito sa rosated chicken. At ito nga ang ginamit ko sa entry kong ito for today. Roasted Chicken with Coconut milk and paprika. Dapat sana curry powder ang gagamitin ko, kaso naubusan ako nito sa aking kusina. Kaya ito na lang paprika ang ang aking ginamit....