Pininyahang Manok
Another chicken dish tayo at ito ay ang Pininyahang Manok. Hindi ko alam ang original recipe ng lutong ito. Una kong sinubikan na lutuin ito noong mapanood ko yung commercial ng isang gatas na ginamit nga sa pagluluto ng manok. Sabi nung bata sa commerical..."Bakit may gatas" ....sabi nung nanay...."Para mas masarap". At yun nga mismo ang ginawa ko, ang gumamit ng evap na gatas sa pagluluto.
Madali lang lutuin ito...try nyo.
PININYAHANG MANOK
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken fillet
1 small can Del Monte Pineapple Tidbits
2 medium potatoes quartered
1 small can alaska evap
1 cloves garlic
1 medium onion
salt and pepper
2 tbsp sugar
1 tbsp. cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
4. Ilagay ang piniritong manok at patatas. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan hanggang sa maluto ang patatas.
5. Ilagay ang alaska evap at ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
6. Timpalahan ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
8. Ihain habang mainit
Enjoy!!!
Comments
Dennis