Pininyahang Manok



Another chicken dish tayo at ito ay ang Pininyahang Manok. Hindi ko alam ang original recipe ng lutong ito. Una kong sinubikan na lutuin ito noong mapanood ko yung commercial ng isang gatas na ginamit nga sa pagluluto ng manok. Sabi nung bata sa commerical..."Bakit may gatas" ....sabi nung nanay...."Para mas masarap". At yun nga mismo ang ginawa ko, ang gumamit ng evap na gatas sa pagluluto.

Madali lang lutuin ito...try nyo.

PININYAHANG MANOK

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken fillet

1 small can Del Monte Pineapple Tidbits

2 medium potatoes quartered

1 small can alaska evap

1 cloves garlic

1 medium onion

salt and pepper

2 tbsp sugar

1 tbsp. cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika

4. Ilagay ang piniritong manok at patatas. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan hanggang sa maluto ang patatas.

5. Ilagay ang alaska evap at ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo

6. Timpalahan ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa

7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

8. Ihain habang mainit


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
di ba similar 'to sa chicken curry?lagyan mo lang ng curry powder and presto..chicken curry na siya?i'm not so sure pero parang ganito ang pagluto ko ng chicken curry ko before...
Dennis said…
Yes pareho lang...but without the pineapple tidbits.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok