Pork Steak Tagalog


Hello! Pasensiya na at ngayon lang uli ako nakapag-post ng recipe. Medyo busy dito sa office at sa bahay na din. May bago akong recipe na naging ulam namin last Tuesday, kaso hindi ko nakuhanan ng picture. Chicken afritada yun using spagetti sauce with lots of fresh basil. hayaan nyo pag nagluto ulit ako, ipo-post ko ang recipe nun. Promise

Today ang recipe natin ay "Pork Steak Tagalog". Kung iisipin nyo madali lang itong lutuin. Pero yung sa akin medyo tumagal kasi nilagyan ko pa ng mga twist.

Umpisahan na natin.


PORK STEAK TAGALOG

Mga Sangkap:

1 kilo Pork Steak - mabibili ito sa mga supermarket. pwede din yung porkchop.

1/2 cup calamansi juice

soy sauce

salt and pepper

1 cloves garlic

1 medium onion

Maggie magic Sarap

cornstarch

olive oil


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang pork steak sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam

2. Sa isang non-stick pan, i-prito ng walang mantika ang karne. From time to time pahiran ito ng pinaghalong olive oil at soy sauce.

3. Kung sa tingin nyo ay luto na, hanguin ito sa isang lalagyan. Huwag i-over cooked.

4. Sa isang kasirola, mag-gisa ng bawang at sibuyas sa olive oil.

5. Ilagay ang inihaw o piniritong pork steak. Maaring hatiin ang karne kung masyado itong malaki.

5. Ibuhos sa niluluto ang pinagbabadan ng karne, lagyan ng soy sauce. Maari dagdagan ng kaunting tubig at takpan.

6. Kung sa tingin nyo ay malambot na ang karne, maari na itong timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap.

7. Lagyan pa muli ng katas ng calamansi. Mga 5 pcs.

8. Magtunaw ng cornstarch sa tubig at ilagay sa niluluto para lumapot ang sauce.

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng onion rings sa ibabaw.

10. Ihain habang mainit


Enjoy!

Ang twist sa luto kong ito ay ang pag-gamit ko ng olive oil at ang pag-iihaw o pag-grill ko sa karne. Sa pamamagitan nito, nare-retain yung flavor ng karne at lumalabas na mas masarap ang pagkaluto. Take note also, nilagyan ko uli ng calamansi juice bago hanguin. With this, talab na talab yung lasa ng calamansi sa nilutong karne. Try this, hindi ito pangkaraniwan na kagaya ng pork steak na nakakain natin

Hanggang sa muli.......



Comments

Cool Fern said…
sarap ng luto mo,dennis..
maganda din ang plating kaya katakam takam talaga siya...
Dennis said…
Thanks.....hindi nga ako masyadong kuntento..kasi ordinary camera lang ang ginagamit ko at medyo kulang sa ilaw. As compare sa ibang food blog.....malayo pa talaga ang mga posting ko....But i'm keep on improving naman....hehehehehe
kaye&grabb said…
eto ang niluluto namin ng baby ko ngayon...simpleng lutuin pero masarap ang dating...keep it up!=P
Unknown said…
hello... i want to try your version of pork steak kaya lang nag aalangan ako kc sa pagbabad sanay ako na babad with toyo but yung sayo calamnsi and etc lang with no soy sauce..nevertheless i will try it..thanks...
Dennis said…
Hi Claire.... Tama din yung ginagawa mo pero kung ipi-prito mo muna yung pork iitim siya kung may toyo na agad. Now, kung diretso sa kaserola ang luto mo pwede na kasama na yung toyo.

:) dennis
Unknown said…
hi again...i tried your version kahapon and totoo nga na masarap siya and hindi sya nag brown ng todo kagaya ng pag may soy sauce na,, and gustung-gusto sya ng mga kids ko tagos daw lasa sa pork..pinapaulit na agad hehehe.. anyway, mukhang madadalas ang paggaya ko sa mga recipes mo coz they're simple and easy to follow,..thanks..
mykeskye76 said…
Sana may amount yung ingredients mo, miski yung basic. nakakatakot kasing mag-over sa mga toyo, asin, etc. thanks.
mykeskye76 said…
sana may amount yung mga basic ingredients kasi nakakatakot mag-over.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy