Baby Potato Salad



Malawak ang pagkaing salad. Sa pagkaintindi ko ang salad ay pinaghalo-halong sangkap na pwedeng gulay o prutas man. Wala itong eksaktong recipe na pagbabasihan. Naayon na lamang ang timpla nito kung sino ang kakain.

Ilang araw na din na takaw na takaw ako sa chicken potato salad. Sa mga salad ito ang pinaka-paborito ko. The last time na nag-groceries ako, bumili ako ng 1/2 kilo siguro yun na baby potato...yun lang nakalimutan ko naman bumili ng chicken fillet. So nagkaroon ng kuta-kutakot na twist sa salad na ito.....hehehehe. Tingnan nyo....


BABY POTATO SALAD


Mga Sangkap:

1/2 kilo Baby Potato

5 slices of Sweet ham (Yung ginagamit sa mga sandwich. Gayatin na parang palito ng posporo)

1 cup chopped fresh basil leaves

1 cup Mayonaise

1/4 bar grated cheese

1 knorr chicken cube

salt and pepper

Maggie Magic Sarap (optional)


Paraan ng Pagluluto:

1. Balatan ang mga baby potatoes. Maari din na huwag ng balatan...hugasan na lang ito ng mabuti.

2. Ilagay sa kaserolang may tubig, knorr cubes at asin. Pakuluan hanggang sa maluto.

3. Hanguin mula sa pinagpakuluan, ilagay sa isang lalagyan at palamigin.

4. Kung malamig na, ilagay ang ham, chopped basil leaves at grated cheese.

5. Timplahan na din ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

6. Paghalu-haluin ang lahat ng sangkap

7. Ihain na may grated cheese sa ibabaw


Mapapansin ninyo bakit ko nilagyan ng knorr cube yung pinaglagaan ng patatas. Well, para yun magka-flavor yung patatas. Kung chicken potato salad ang gagawin ninyo, maaring sabay ninyong ilaga ang patatas at manok para lumasa yung manok sa patatas.


Yun na....enjoy! Pwedeng wala na nung ham kung gusto ninyo itong kainin sa Holy Week...


Till next.....

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy