Bagkat na Kamoteng Kahoy at Sago


Bagkat. Hindi ko alam kung saan ang origin ng salitang ito, pero ng i-check ko ang kahuligan nito sa net, ito ay ay ang pagluluto ng kamote o saging na saba sa asukal na pula or brown sugar. Nang tanungin ko naman ang officemate ko na kapampangan ang pagka-alam naman niya ay yung mga luto na minatamisan.

Tama naman pala ang tawag sa recipe natin for today. Yun lang hindi asukal na pula ang ginamit ko. Madali lang itong lutuin. Pero ang i-she-share ko sa inyo ay yung iba pang pwedeng gawin sa lutuing ito. Twist kung baga.


BAGKAT NA KAMOTENG KAHOY AT SAGO

Mga Sangkap:

1 1/2 kilo Kamoteng kahoy o Casava

1/2 kilo Sugar (White or brown)

1/2 Kilo Sago

1 tbsp. Vanilla


Paraan ng Pagluluto:

1. Balatan ang kamoteng kahoy at hiwain ayon sa laki na gusto ninyo

2. Ilagay sa isang kaserola, lagyan ng tubig at pakuluan.

3. Kung malapit ng maluto ang kamote, ilagay ang asukal. Hayaang kumulo ng mga 10 minutes

4. Ilagay ang sago at vanilla....Palamigin bago kainin.


Mga pwede pang gawin sa lutuing ito.

1. Pwedeng samahan ito ng gata ng niyog. Isabay lang sa asukal habang niluluto

2. Pwedeng kainin ito na may ginadgad na yelo at lagyan ng gatas.

3. Pwedeng kainin ito na may halong fresh na gata ng niyog o gatas.


O ayan...summer na summer ang entry natin for today. And you know how much ang gastos ko sa lutong ito? P57.00 lang. Masarap na deserts o pang-meryenda.


Eto ..tikman nyo!

Comments

Cool Fern said…
this is the first time to hear such a recipe..pero i like this kasi matamis..mahilig kasi ako sa matamis
Dennis said…
hehehe....may kulang pa nga sa ginawa ko...dapat may kasama yan na pandan leaves.

Actually bata pa ako nakakakain na ako ng ganito....pwede din kasi yung sweet potato o kamoteng baging ang gamitin dito. Sarap nito lagyan ng yelo at gatas...ver refreshing talaga....hehehehehe.

Hinay-hinay sa matamis my friend....hehehehe..hindi na tayo bata....hehehehe

Dennis
Cool Fern said…
ewan ko ba basta matamis talagang gustong gusto ko..
kung sa ingles pa i have a sweet tooth..
Minnie Villano said…
thank you for posting this recipe. i just got done cooking this and it turned out really well. Nagustuhan ng mga anak ko. salamat ulit at sana huwag kang magsawang mag-share ng mga recipes more power to you!!!! :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy