Beef Pochero
Nung minsang mapunta ako ng Cebu for an assignment, niyaya ako ng counterpart ko doon para i-try ang mga sikat na night spot. Siguro mga 2am na noon ng yayain pa nila ako na i-try daw namin na kumain ng pochero para daw mabawasan ang pagkalasing namin. Nagtataka ako what so special with their pochero na kailangan pa naming puntahan kahit madaling araw na. Ang alam ko sa pochero, ito ay ulam na may tomato sauce at gulay at medyo manamis-namis ang lasa. Ang Inang ko pag nagluluto nito, nilalagyan niya ito ng pritong saging na saba. Sa aking pagkagulat, ang sinasabi pala nilang pochero sa kanila ay ang bulalo dito sa atin sa Manila. Ang hindi ko alam ngayon kung alin ang tama. Yung version ba nila o yung alam ko na version......? hehehehe. Pero isa lang ang alam ko, masarap ang lutong ito.
Sa pochero, pwede kang gumamit beef, pork o kaya naman chicken. Sa recipe natin for today, beef ang gagamitin natin. May nabili kasi akong beef sa SM supermarket na galing ng Australia. And you know what? Ang dali niyang palambutin.
So, start na tayo.....
BEEF POCHERO
1 kilo Beef (any parts will do)
1 pack tomato sauce
1/2 Repolyo
Pechay
100 grams baguio beans
5 pcs. saging na saba
2 pcs medium kamote
1 medium onion
bawang
asin at paminta
asukal
Paraan ng pagluluto:
1. Palambutin ang karne ng baka sa isang kaserolang may tubig, asin at paminta.
2. Sa isang kaserola, mag-gisa ng bawang at sibuyas sa kaunting mantika
3. Ilagay ang pinalambot na karne ng baka at isama ang kaunting sabaw nito
4. Unang ilagay ang saging na saba at kamote, takpan at hayaang kumulo.
5. After 5 minutes, ilagay ang tomato sauce, muling takpan at hayaang kumulo
6. Ilagay ang baguio beans at kung medyo luto na isunod ang repolyo at pechay
7. Timplahan ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa. Ang tamang lasa para sa akin nito ay yung nagaagaw ang alat, asim ng tomato sauce at tamis ng asukal.
Enjoy!!!!
Comments