Beef with Mushroom and Cream


Hello! Dahil nga sa mga balita-balita ng mga sakit sa baboy, minabuti kong medyo umiwas muna sa pagluluto nito. Kung baga mas mainam na ang nag-iingat kesa naman makasama pa sa kalusugan natin.

Ang recipe natin for today ay masasabi kong one of my best. Hindi ko alam ang tunay na tawag sa lutuing ito but this inspired dun sa niluto ng Ate Mary Ann ko na Lengua with Mushroom and cream. Ito nga lang beef ang ginamit ko. Try this and I will assure you na magugustuhan nyo ang luting ito.

BEEF WITH MUSHROOM ANF CREAM

Mga Sangkap:

1 kilo Beef
2 tbsp. oyster sauce

1/4 cup soy sauce

1 big can whole button mushroom cut into half

1 tetra pack all purpose cream

2 medium size potato cut into cubes

juice from 5 pcs. calamansi

olive oil or butter

1 cloves garlic

1 medium size onion

Maggie Magic Sarap

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ang baka into cubes

2. I-marinade ito sa calamansi juice, asin at paminta. Hayaan ng mga 1 oras.

3. Sa isang non-stick pan, i-prito ang karne hanggang sa medyo pumula.

4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas at ilagay ang piniritong karne.

5. Halu-haluin, ilagay ang toyo, oyster sauce at takpan.

6. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang laman. Lagyan ng tubig kung kinakailangan.

7. Kung malambot na, ilagay ang patatas at hinating button mushroom. Hayaang kumulo pa ng mga 2 minuto

8. Kung luto na ang patatas, ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

Ihain habang mainit.

Enjoy!!!

Note: Yung patatas ay idinagdag ko lang as extender. Sa mahal kasi ng baka ngayon at iba pang bilihin, dapat gumamit tayo ng mga extender sa ating mga lutuin.

Comments

Anonymous said…
Hindi ako marunong mag-lutu. Kaya nga parati akong nag-hahanap ng super easy na meals sa Internet pero your instructions are easy to follow. I get to cook for my husband finally. Thanks.
Dennis said…
Thank you anonymous....para talaga sa mga may-bahay na di marunong magluto ang blog na ito. Like you, hindi rin marunong magluto ang wife ko. Hanggang prito at nilaga lang ang alam niya. Pero nag-ta-try din naman paminsan-minsan....hehehehe.

Email me if you have questions with the recipe.

Dennis
Anonymous said…
Thanks to your posts I learned how to cook. A month ago I was at Eggs and Hotdog level when it comes to cooking. But now I can cook real food for my family. Thank you. Sana mag-post ka ng Recipe ng BEEF STROGANOFF... di ko lang alam if thats the right spelling...hehe
Dennis said…
Hi! Cyril. When I check your request, it is almost the same as the recipe above. In Beef Stroganoff sour cream naman ang ginagamit.

Sorry for my late reply....

Dennis
she said…
what part of beef would you recommend for this recipe? thanks!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy