Chicken Teriyaki at Ginisang Toge
Nakakatawa naman ang recipe natin for today. Isang Japanese and dating at ang isa naman ay pinoy na pinoy....hehehehehe. Well gusto ko lang na maging pinoy pa din ang dating ng lutong ito. Actually hindi ako gumamit ng talagang teriyaki sauce dito. Toyo lang at brown sugar ay nagkatalo na para maglasang teriyaki sauce.
Kapag kumakain ka sa mga Japanese fastfood kagaya ng Tokyo-tokyo, di ba may mga side dish na gulay kagaya ng toge or beans sprout ba yun? Well eto ang pinoy version ko ng mga lutuin yun.
Chicken Teriyaki at Ginisang Toge
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Fillet
Juice from 6 pcs. calamansi
1/2 cup soy sauce
1/2 cup brown sugar
1 cloves garlic
1 large onion
2 tbsp. grated ginger
salt and pepper
corstarch
carrots and onion leaves for garnish
For ginisang toge:
1/4 kilo toge or bean sprout
1 carrot
1 onion
garlic
salt and pepper
Maggie magic sarap
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at calamansi juice ng mga 1 oras. Mas matagal i-marinade mas mainam.
2. Sa isang kawali, i-prito ng bahagya hanggang sa pumula ng kaunti ang balat ng manok. Haguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibiyas at luya.
4. Ilagay ang manok, halu-haluin at ilagay ang pinagbabadan.
5. Lagyan din ng toyo at kauting tubig. Takpan at hayaang maluto ang manok.
6. Timplahan pa ng asin, paminta at brown sugar kung kinakailangan. Ang tamang lasa nito ay maalat na matamis-tamis.
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Para sa ginisang toge:
1. Igisa ang bawang at sibuyas.
2. Ilagay ang carrots at halu-haluin (Ang hiwa ng carrots ay parang palito ng posporo)
3. Kung malapit ng maluto ang carrots, ilagay na ang toge at halu-haluin
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
5. Ihain kasama ng Chicken Teriyaki
Note: Maari din lagyan ng tokwa ang ginisang toge.
Trivia: Alam nyo ba na ang tawag sa bean sprout sa amin a Bulacan ay Toge? Sa Batangas naman ay pasibol.
Comments
Dennis